Hi po. Ako nga pala si Grace. Kagragraduate ko lang ng high school sa Pinas nung March 22. Eto, hayskul naman sa Australia (Year 11). Oo po't tama ang inyong nabasa! Akala ko tapos na yung HS life ko. Mali pala ako, may sequel pa pala. Tangna parang pinaglaruan no?!
Yung ngang unang mga araw ko dito, iyak lang ako ng iyak. E pano ba naman, nakapasa ho ako sa dream university ko sa Pinas. Ayos na sana eh. Sayang may umepal. Kaya ayun, lagi lang akong umiiyak. Iyak dito, iyak doon! Lagi akong nagsisisi bakit itong daan ang tinahak ko.
Eh di naman pwedeng di mag-move on, diba? Di kaya natatapos ang rotation ng mundo dali lang gumuho yung pangarap mo! Kaya nga't ginugul-gol ko nalang ang oras ko sa mga bagay na para sa akin ay makabuluhan. Nagkaroon ng mga bagong kaibigan at may bagong natutunan. Ayos, ano?
Kahit naman papaano blessing na rin to. Hindi kaya lahat ng nag-aasam na makapunta dito, nakakapunta. Biniyaan ako ng Creator natin. Sabi nga nila, "You must move on and look at the bright side of things."