Disaster Monday (11.09.2015)
Wearing
I’m wearing blue and white sando, and stripes short. Grabeng init, pero kaka ulan lang hahaha.. trip ko lang mag shorts at sando.
Playlist
If I Ruled The World – Big Time Rush. Nakakamis maging Rusher, sadly wala na sila, kanya kanya na silang buhay. Kung mag kakaroon talaga ng reunion sila. Hay nako, nakakamiss ang Big Time Rush lalo na si Logan Henderson. <3
Craving
Bopis, yung tig tres a may gilid ng Joliibee. Nagugutom tuloy ako ng bigtime. Kasi nung isang beses usapan lang namin yan tapos ngayon dahil sa kapabayaan ko hindi tuloy ako nakabili ng bopis. TT.TT
Happenings
Umagang umaga ang akala ko makakapag bayad na ako ng partial payment naming ni ate for 2nd sem, kaso ang nang yari hindi pa raw ako enlisted. Yung nag hintay kami ng ilang oras nung Saturday para sa enlistment na umabot pa kami sa cutoff ng cashier. Kailangan ko pang bumalik para makapag pa enlist. Bumalik ako ng faculty para mag tanong kung anong nang yayari. Ang sabi daw wala pa yung Secretary para mag aayos ng lahat ng problema, kaso ang nangyari, 9:00 na wala pa rin siya, dapat nag sick leave nalang siya kung alam naman niyang hindi niya kayang tumayo para sa mga estudyanteat mga magulang pag lilingkuran niya. Sa sobrang bagal niya, lahat na pumasok sa utak ko, sa sobrang inis ko lang. Pag tapos kong mag pa enlist tinawag ko kaibigan ko, para if ever na hindi pa siya enlist atleast alam namin na mag papaenlist pa siya. So bale hindi pa nga naman siya enlist. Edi ang nangyari nag pa enlist din siya. Buti nalang nakapila na sila at makikisabay nalang ako. Noong natapos na yung bayarin echos, nag aya silang mag lunch, sige naman ako, nag sabi ako na mag wiwithdraw muna ako, kaso shet yung credit card ko nawawala, hindi ko alam kung saan ko nailagay, literal na wala akong pera, ubos. Buti ang bait nila ate, nakuuu babayaran ko talaga sila. Ang saya lang din nila kasama pareho. Tapos after that, yung JPL lang napasukan naming ng friend ko, ang nakakainis lang maya’t maya sila nag tatanong kung bakit 1-2 daw kami kung ayaw ba namin mag pa lipat. First, ayaw ko mag pa lipat kasi ang hassle ang daming gagawin at Second, kontento na ako. Pag sakay ko ng jeep naka tulog nalang ako bigla, kaso pag gising ko ang sakit ng batok ko. Tapos yung tricycle pa bwisit, ang daldal, yung moment na gusto mong umuwi ng maaga, kaso ang daldal lang talaga ni kuya. Nang makauwi na ako nang halughog ka agad ako ng gamit ko pag kakita ko, nasa notebook ko lang pala nakalagay yung card. >.<”
Thoughts
Pag nag karoon na akong pera sisiguraduhin kong babalikan ko sila, lilibre ko din sila. Ang bait nila sa akin. At para dun sa school na yun, nag sisisi po ako, maganda na sana ang bagal lang kumilos mga tao niyo. Ang panget ng processo niyo. Sorry not sorry.











