Lahat ng tao binigyan ng pagkakataon para mag tama ng mali, ayusin abg dapat ayusin at humingi ng tawad sa mga taong nasaktan natin. Lahat tayo kayang sabihin na hindi pa huli ang lahat. Ika nga ng mama at papa ko sa tuwing may nagagawa akong pagkakamali, "anak, may bukas pa. Hindi pa huli ang lahat". Sa kaibigan, baka sobra na si bestfriend sa pagtulong sayo, hindi pa huli ang lahat para magpasalamat. Sa kasintahan, baka naman nagiging one sided na ang relasyon nyo. Yung tipong si bf/gf nalang ang kumikilos, ang nagmamahal, at umuunawa. Tsk tsk, wag ka mag alala hindi pa huli ang lahat. Sa susunod nyong monthsary, bumawi ka at huminhi ng tawad. Sa mga kapatid mo, baka naman sumusobra na sa utos ang panganay kay bunso o baka naman sumusobra na sa katwiran si bunso kay kuya/ate. hayyy. Bagama't normal na yan sa magkakapatid, hindi pa din maganda ang ganyang asal at dahil may bukas pa, hindi pa huli ang lahat. Humayo sa mga kapatid, magpasalat, humingi ng tawad at iparamdam ang pagmamahal. Sa magulang mo, baka naman nagagastos mo na ang perang nilaan ng magulang mo para sa tuition mo, o kaya naman ay sinuway mo sila sa bilin na wag munang mag boboyfriend/girlfriend o kaya naman napapadalas na ang pagsagot sa kanila? Iha, iho.... hindi pa huli ang lahat. Wag kalimutang sila'y tumatanda na. Mahalin natin sila. Pagsilbihan at alagaan. Humingi ng tawad hanggat may oras pa. Kay Lord, baka naman nakakalimutan na nating magdasal bago matulog, o di kaya'y saka lang nakakaalala kapag may kailangan, o baka naman nakakalimutan na natin Syang pasalamatan kapag tayo ay masaya? Uulitin ko sa huling pagkakataon, hindi pa huli ang lahat. Humingi tayo ng tawad at magpasalamat sa lahat ng Kaniyang ipinagkakaloob. At bilang ganti, atin Syang pagsilbihan, mahalin at marapat na pasalamatan sa ating araw araw na pamumuhay. Lahat tayo ay magpapakataon pang magbago. Mag isip-isip habang may oras pa. Nasa huli ang pag sisisi. Magmahalan at magpatawaran. Hwag sayangin ang pangalawang pagkakataon na sa ati'y pinagkaloob.