Nagpasalamat o nagreklamo??
Pag gising mo kaninang umaga, nagpasalamat ka ba o nagreklamo ka??
Noong gumising ka kaninang umaga, nagpasalamat ka ba sa maayos na tulugan o nagreklamo sa matigas na kama?
Noong pagbangon mo kaninang umaga nagpasalamat ka ba sa pader, kisame at bubong na iyong nasilayan o nagreklamo ka sa mga insektong nasa kisame, sa ingay sa labas ng kalsada?
Noong umupo ka sa hapagkainan nagpasalamat ka ba sa pagkaing nakahanda sa mesa o nagreklamo dahil inulit na naman ang pagkain kagabi?
Noong pumasok ka sa banyo nagpasalamat ka ba sa tubig at sabon na maglilinis ng iyong katawan o nagreklamo sa lamig ng tubig na dumaloy sa iyong balat?
Noong bumyahe ka papuntang ekswela o trabaho nagpasalamat ka ba na may nasakyan ka o nagreklamo sa trapik? Nagpasalamat ka ba sa mga kaalaman na iyong makukuha sa paaralan o nagreklamo sa walang katapusan na trabaho sa eskwela?
Higit sa lahat sa buhay na meron ka ngayon NAGPASALAMAT ka ba na GINISING ka NYA ngayong umaga? O NAGREKLAMO sa PAULIT ULIT na BYAHE ng iyong BUHAY??
Maraming taong pag gising ng umaga walang kamang hinihigaan, walang bubong, kisame, at pader na nasisilayan, walang pagkain na nakahanda, walang tubig na pwedeng pampaligo, walang eskwelahan o trabaho na papasukan at higit sa lahat maraming tao nais pang mabuhay ngunit di nagbigyan ng pagkakataon na masilayan muli ang BUKAS.
Maraming tao na sa kalsada gumigising, kalsada ang tirahan, usok at limos ng iba ang pinagmumulan ng pangkain, ulan ang tanging tubig na sa kanila'y naglilinis, kalsada ang nagsisilbing paaralan at trabahuhan. Pero ang mahalaga masaya sila, di man kuntento pero marunong magPASALAMAT sa konting biyayang natatanggap.
IKAW BA NAISIP MO BANG MAGPASALAMAT SA SOBRANG BIYAYANG BINIBIGAY NYA? O NAGREREKLAMO KA DAHIL SA TINGIN MO ITO'Y KULANG PA??