Sa tuwing nagkakaroon ng mga komplikadong bagay sa paligid ko katulad ng mga may problema sa kaibigan, pag-aaral, pamilya at higit lalo sa pag-ibig, nakakaisip agad ako ng mga good words para sabihin sa kanila bilang pang comfort. Inilalagay ko sa isipan ko yung sitwasyon nila at tinitimbang ko yung sarili ko kung sa tingin ko ano ba yung gagawin ko pag ako yung nasa posisyon nila. And it feels soo good kapag naeexpress ko sa kanila yun at nagiging maganda yung resulta. Feeling ko tuloy ang galing galing kong magadvice. Lol. Pero sabi nila, kapag daw magaling ka magpayo, hanggang payo ka na lang dahil pag ikaw na ang nalagay at nakararanas sa ganung sitwasyon hindi mo na rin alam ang gagawin mo. Tama naman e, kapag nasa isang sitwasyon ka na, kahit alam mo na kung anong dapat gawin, hindi mo pa rin kaya. Minsan kasi, hindi naman sa hindi mo alam ang gagawin, nahihirapan ka lang gumawa ng desisyon dahil takot ka sa kung anong magiging resulta. Basta gusto ko magadvice. HAHA. Kaya ikaw kung may problema ka sa kaibigan, pamilya, pag-aaral at pag-ibig, message me anyway. Susubukan nating solusyunan yan. Wag lang tungkol sa pera, wala akong magagawa diyan. XD