113024 • tanay dump
saya pala tumungangaa lang talaga ano? kung kikita lang ako sa pagtunganga, yun na labg ang cacareerin ko. hahahaha. a much needed breather from everything that was happening in our lives tas doble pagod at stress ulit pagbaba ng syudad, hayup.
super naappreciate ko ang time ko with nature at dun ko napatunayan na masaya lang ang buhay pag marami kang free time. dun lang uli ako nakapagsulat sa journal at nakabasa ng libro (na di ko gaano naenjoy) saka literal tunganga lang.
di ko naman din first time sa tanay pero eto yung first time na nangatog talaga ako sa pagtulog dito. hahaha. nasakto kase na maulan yung punta namin tas di ako nakadala ng maayos na blanket sana, at least next time alam ko na. ahahahaha.
bago kami magpunta ng tanay ineenvision ko na ang pagtalon ko sa bangin kasi pagod na talaga ako sa mundo, di ko alam. pero nung nandun na ako, parang ang kalmado na lang to the point na ayaw ko na talaga umuwi kase para akong susuong talaga sa bagyo, literal. hahaha. sana may next time pa pero saka na siguro kase kailangan ko munang makabawi sa mga ginastos ko nung mga nakaraang buwan.
salamat kay @tikboy-qt sa pagsama sa akin sa camp saka sa pag-asikaso sa akin kasi di ko alam talaga gagawin ko nung una. hahaha. enjoy me super kahit napatunayan ko na di talaga tayo mabubuhay sa ganyan nang tayong dalawa lang. hahaha. hirap na hirap kami magbuhol ng paracord ampota. stuck na talaga tayo sa isa't isa, ano? hahahaha. <33











