Not another thank you speech! :)
Aaminin ko: nag-Carolfest ako ngayong taon dahil gusto ko lang MABAWI yung 3rd place last year. Yun lang talaga. Wala talaga sa utak ko yung tatlong libo; gusto ko lang talagang MAKABAWI. Bonus na lang ata yung dahil gusto kong kumakanta, yung primary reason ko last year. Regalo na lang siguro yung sa proseso ng pagbawi, kami ang manalo talaga. Ewan ko bakit ang tagal nagregister sa akin ng implikasyon ng pagiging 1st place.
Aaminin ko: nagpaka-competitive ang MChOrale. Matagal-tagal nang naghahanap at nag-iisip si Nel ng piyesa (seryoso siya dun ah). Kakalabas pa lang ng letter para sumali sa Carolfest, nag-iisip na sila ni Simon ng rehearsal skeds sa Skywalk (natatandaan niyo pa ba yung hapon na yun? Parang ang tagal-tagal na nun ano?). Unang beses pa lang magmeet ng MChOrale, salang agad sa practice. Dalawang sabado ang hindi namin pinalampas for a rehearsal. Kahit habang pinupulido namin yung boses namin, paranoid kami sa criteriang "Incorporation of college," ang criteria na nagpabagsak sa amin last year.
Marahil, hindi lang ako ang naghangad mabawi yung nangyari noon.
Aaminin ko: kahit laro-laro lang yung DZAR thing, nakadagdag sa pressure at pagkacompetitive yun. Kahit na para lang kaming nagrehearsal dun sa booth nila nung Sabado, natuto kami dun kahit paano. Yun nga lang, kebs at bonus na lang kung lumampas kami ng audition. "Mas kinakabahan ako sa Lunes," ika nga ni Nel.
Aaminin ko: iniiwasan ko ring magblog, bukod sa walang telepono sa bahay, ay dahil baka wala na akong ibang bukambibig kundi Carolfest. Yung mga pagko-choreo namin. Yung sinasapian kami ng creative spirit. I mean, ilang beses na ba ninyong kaming narinig na mag-jingjingjingjing at random times? Kunsabagay, ang tagal-tagal na rin naming nagrerehearse. Adik. Yun na kami. Adik.
Aaminin ko: kinabahan pa rin ako bago iannounce ang winners. Siguro normal lang naman yun. Or not; bago nun, parang confident na akong magiging 1st kami. Sa iilan ko lang yun nasabi kasi baka maudlot.
Aaminin ko: kinakabahan na ako sa Biyernes. Ang magperform sa UP Theater. Ang maging representative ng kolehiyo. Ang tapatan ang 2nd place ng UP CAST. Idagdag mo pa na ito na ang final stretch ko sa pagka-Carolfest ko for MCO. Haaay. Pero alam ko namang kayang itawid yun. Wag lang sanang magsawa sa amin ang MCOers. ^___^
Kaya naman sa lahat ng naniwala, sa lahat ng naging proud sa amin at sa org, sa lahat ng nagbigay ng tiwala at suporta in some way, sa lahat ng nagpahiram ng gamit, sa lahat ng mga nang-IBS sa amin (haha!) sa lahat ng binulabog namin sa Media Center sa bahay ni Nel--MCO gate, fake spiders, and all, kay Karol sa walang sawang pagsagot sa tanong kong "Sinu-sinong kasali?" kay Ryan na punching bag ng tukso ng Chorale dahil wala lang, kay Chuck na nagpulido sa amin at the last minute, sa lahat ng nanood, nakipalakpak at nakihiyaw, sa mga nag-video (sa wakas, may video na! Wooohooo!) sa mga nakaisip at gumastos para sa aming loot bag =) MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT. ^_____^
At sa mga kasama kong naglaan ng oras at boses para dito: kay Nel para sa pagiging paos, patient, and decisive kay Simon na kumarir kay Guioguio kahit sabi namin wag na kay Micx na muntik di sumama pero ayun, nagpatahimik na naman kay Yvonne na kinarir matutunan ang mga old Chorale pieces kay Che na after 45 years ay nakasama na namin sa Carolfest kay Con kahit na dalawa pa ang sinalihan niya ay keri pa rin kay Sandy na forever kasangga ko habang inaaral ang alto kay Ed na at one point nag-inarte pang aalis pero bumalik din kay Harry na nakaisip bigla ng major blending sa Tahanan Mo kay Barry na nagmove on sa intimidation at nag-bass at last kay Ely na kahit pasulpot-sulpot ay nagawa pa ring sumali kay Ter sa major contribution niyang titiklop sa Masscommotion ISANG MATINDING CLAP CLAP PARA SA INYONG LAHAT ^_____^. *big hug*
O ayan, rehearsal na ulit para sa Friday! Hehe
















