minsan
Isang gabi, napatunganga ako sa aking kama habang nakahiga sa malambot na kutchon at unan nang bigla ako nag-isip sa malawak na kadiliman na nakapaligid sa akin. Bakit ba minsan hindi natin nakukuha ang mga bagay na para satin talaga? Hindi naman sa pagrereklamo pero may mga bagay talaga na para saatin talaga, ngunit nawawala at hindi ko maintindihan bakit.
Halimbawa sa mga grades natin, may mga estudyante na kahit anong hirap at pagod sa pag-aaral hindi makuha kuha ang grado na ninanais, habang may mga estudyante lang na isang requirement lang ang pinasa buong semester ngunit ang grado akala mo first honor. Hindi ba parang ang baho ng sistema ng buhay? Puro na lang “pano kaya...” o “bahala na” at wala nang problema pagkatapos habang ang mga tao na “sana...” at “kaya ko” ay ang mga tao na bigo sa buhay.
Baka nga walang siguradong sagot para sa katanungan na iyan pero alam ko na minsan tayo rin ang gumagawa nang sarili nating kapalaran. Siguro nga mali ako sa pagiintindi sa sistema ng buhay, pero hindi natin maiiwasan pumunta dito. Minsan tama ka sa diskarte pero minalas sa swerte o kaya naman minsan nabigo ka man sa buhay pero at least buhay ka pa rin at kaya mo pa ibago ang mga mali mo.
Minsan asa sarili nating mga kamay ang maging matagumpay sa buhay, hindi man sa larangan ng pamilya, pag-ibig, estado sa buhay, o pagka-swerte pero masasabi mo na nagtagumpay ka sa pagsali sa laro ng buhay at tadhana. Hindi ka sumuko, at yun ang importante.
Hindi man nasagot ang katanungan ko pero minsan, isang araw... malalaman ko rin










