I'll make it a mission to familiarize myself more on local poets.
seen from China

seen from United States

seen from Canada
seen from China
seen from Malaysia
seen from China
seen from Germany

seen from Germany
seen from Canada
seen from Bangladesh
seen from Finland

seen from United States
seen from United States
seen from Ireland
seen from United States

seen from Germany
seen from Ireland
seen from United States

seen from United States
seen from Ireland
I'll make it a mission to familiarize myself more on local poets.
May kanang paang putol sa tambakan ng basura. Naka-Nike. Dinampot ng basurero. Kumatas ang dugo. Umiling-iling ang basurero’t bumulong, “Sayang, wala na namang kapares.”
Michael Coroza, Putol
"Palaging May Ulan," Michael Coroza
Palaging may ulan sa pamamaalam Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod Ng panandaliang pagsama't lugod. Huwag kang lilingon at baka malusaw Na asin ang mithing pagbabagong-loob. Palaging may ulan ang pamamaalam Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod. Bangkay na lulutang ang panghihinayang Ngayong nalunod na ang lahat ng pusok At kuyom sa dibdib ang basang alabok. Palaging may ulan ang pamamaalam Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod Ng panandaliang pagsama't lugod.
Putol
ni Michael Coroza
May kanang paang putol sa tambakan ng basura. Naka-Niké.
Dinampot ng basurero. Kumatas ang dugo.
Umiling-iling ang basurero’t bumulong, “Sayang, wala na namang kapares.”
Hawakan
ni Michael Coroza
Hindi lamang hawakan ng kamay ang pag-ibig, alam mo at alam ko, kaya hayaan mong aking haplusin ang kiming ngiti ng iyong pananabik at hayaan mo ring aking hagkan ang pangangatal ng iyong pananalig.
Huwag palisin ng alinlangan ang mausisang palad ko sa tarik at tarok ng iyong dibdib, magkasimpantig ba ang pintig ng ating pag-asa? Sapat nang ipitlag o isinghap mo ang pagsang-ayon sa diwang dinadalít ng dila ko sa iyong puson.
Sa masuyong pagsuyod ng aking katapatan sa kaibuturan ng iyong pagtitiwala, masaganang dadaloy at dadaluyong ang ilog ng buhay.
Huwag magigimbal, magkahawak tayong lulusong at mga paslit tayong magtatampisaw upang lasapin at ipagdiwang ang iilang saglit ngunit eternal waring pagsandirit ng ating kaganapan at paglaya.
Kapwa natin batid, hindi lamang hawakan ng kamay ang pag-ibig.
Kung hindi yan challenging, hindi yan Coroza
Michael Coroza
Tugmang tugma talaga ang Lalaki at Babae
Michael Coroza