Ang hirap makalimot, 'di ba?
Hindi siya parang pag-logout sa account. Hindi siya switch na isang click lang, tapos wala na. Ang paglimot, lalo na kay ex ay parang pagtanggal ng chewing gum sa buhok. Kahit anong hugas, may kapit pa rin. Kailangan talaga kailangan langisan at sindihan.
Nakaka-bwisit kasi kahit ilang damukal na payo na ang natanggap mo:
1. Mula sa magulang mong may pinipigilang sermon
2. Sa kaibigan mong laging galit para sa'yo
3. Hanggang sa random motivational speaker sa TikTok na may dramatic lighting
wala. Hindi tumatalab.
At hindi kita masisisi. Kasi ang sakit, hindi natatanggal sa dami ng likes sa quote cards. Hindi nabubura sa paglipat ng wallpaper.
Pero kahit hindi ako expert sa pag-ibig â wala akong degree sa heartbreak, wala akong diploma sa closure â meron akong kaunting kaalaman sa pag-alis. Sa pagputol. Sa pag-atras kahit ayaw pa ng puso.
Kaya kahit âdi mo sundin âto, basahin mo muna. Hindi mo alam⊠baka sa ika-labing-isa, sumapol.
13 Kakaibang, Witty na Paraan Para Makalimot kay Ex at Mag-Move On
1. I-label ang sarili mong puso bilang âfragile itemâ sa delivery app. Para kahit ikaw mismo, maalala mong âwag bastabastang dalhin pabalik sa kanya.
2. Gamitin ang profile pic ng ex mo bilang template para sa dartboard. Therapy? Yes. Assault? Only in your imagination.
3. Mag-donate ng damit niya sa ukay tapos hanapin kung sino ang bibili. Kung mahal pa talaga siya ng tadhana, may kukuha pa. Pero hindi ikaw.
4. Gumawa ng mock podcast titled âMga Mali Mong Hindi Ko Sinabi Noon.â Walang audience, pero full performance. Sabihin mo lahat. Lahat-lahat. Then delete.
5. Maglagay ng asin sa dating paborito n'yong lugarâliteral. Para pagbalik mo roon, maalala mong: âAh oo, maalat na âto. Tulad ng ending namin.â
6. Ipagawa mo ang pangalan niya sa customized keychain. Tapos itapon mo sa dagat. Kung babalik âyon saâyo, baka kailangan mong magpadasal.
7. Gamitin ang birthday niya bilang cheat code sa isang video game. Pag walang gumana, move on na. Even the universe doesnât want to remember.
8. Mag-recite ng spoken word piece habang nakatayo sa ulan. Pumili ng audience: halaman, aso, kapitbahay na tsismosaâbasta hindi siya.
9. Magpadala ng sarili mong sulat⊠sa sarili mo. Handwritten. May pirma. May âP.S. Hindi mo na siya kailangan.â Gawin mo ito kahit hindi na uso at hindi mo inabot.
10. Bumuo ng âBreakup Starter Pack.â Contains: tissue, lighter, lipstick, playlist, kutsara. Wala lang. Kutsara lang.
11. I-translate mo sa Latin ang mga huling sinabi niya sa'yo. Para kahit maalala mo, parang masakit na spell sa Harry Potter.
12. Mag-acting challenge ka. Gaya-gayahin mo kung paano siya magalit. Hanggang sa matawa ka na lang at mapagtantong: âTangina, hindi pala siya ganun kahusay umarte.â
13. Isulat ang pangalan niya sa papel. Ilagay sa blender. Wag mo i-on. Tanga ka ba? Pero at least, nandun na sa loob. Visual closure, powered by imagination.
13 Pa Na Mas Malala-Lala na Paraan Para Makalimot kay Ex at Mag-Move On
1. I-doodle ang mukha niya gamit ketchup sa papel. Tapusin mo hanggang kilay. Tapos kainin mo âyung fries habang pinapanuod mong matuyo 'yung ketchup face. Magpanggap na nasa cooking show habang nagluluto ng ulam. Pero ang recipe mo: âGinisa sa Galit, Niluto sa Lungkot.â Ang secret ingredient? Moving on with flavor.
2. Gumawa ng Instagram account para sa bagong version ng sarili mo. Username: @HindiNaAkoYungTanga. Walang followers, pero ikaw ang audience.
3. I-prank call ang sarili mong puso. Tanungin mo: âBakit nga ba siya ulit mahal?â Kapag wala kang matinong sagot, ibaba mo na. Scam pala.
4. Mag-subscribe sa astrology app tapos iset mo yung birthday mo na iba. Para kahit sa bituin, malito ka kung sino ka talaga â pero at least hindi mo na siya ini-stalk.
5. Gawan ng LinkedIn profile ang sakit mo. âPosition: Former Heartache. Duration: Too Long. Status: Laid Off.â
6. Mag-bake ng cookies. Lahat ng cookies, hugis X. Ilang batch bago mo matanggap na hindi na siya sweet?
7. Mag-publish ng fake press release na nagsasabing âSi (Ex) ay retired na sa love industry.â Include quotes from fake insiders: âNapagod daw siyang maging hindi sapat.â
8. Mag-biyahe kahit 3 kanto lang. Iba kasi ang ihip ng hangin sa bagong lugar â lalo na kung walang history si ex sa kalsadang âyon.
9. Mag-apply ng lip balm sa tuwing maalala mo siya. Soft lips. Dry memories.
10. Gumamit ng dating app hindi para makipag-date, kundi para i-rank kung sino ang mas okay sa ex mo. Spoiler: lahat.
11. Gumawa ng calendar na may title na âMga Araw Na Hindi Ko Na Siya Naiyak.â Hanggang mapuno mo âyun ng checkmark. Achievement unlocked: Emotional Stability.
12. I-record ang sarili mong tawa. I-play mo âyun sa gabi. Para kahit walang may nagpapasaya saâyo, marinig mong kaya mo pa rin tumawa.
13. Wala talaga sa iisang direksyon ang paglimot. Minsan daan siya sa kabaliwan, sa katahimikan, o sa kagaguhang ikaw lang ang makakaintindi. Pero kung may isa man sa mga âto na tumama⊠ibig sabihin, kaya mo. Unti-unti. Pa-isa-isa.
13 Pang Move-On Hacks Para sa Matitigas ang Alaala
1. Gawan mo ng resume si ex. âPosition held: Temporary Joy Provider. Skills: Mixed Signals, Ghosting, Pa-cute habang mali.â Reason for leaving: Hindi qualified for forever.
2. Magpinta ng abstract painting habang galit ka. Pag natuyo, pangalanan mo: âEmosyong Hindi Ko Mabura #7.â Pwede mo pang i-post. Who knows? Baka ma-feature ka sa MoMA⊠o sa FB ng tita mong chismosa.
3. Magpakilalang iba sa sarili mong baranggay. "Hi, ako nga pala si Regret-Free Rosario. Hindi po ako 'yung iniwan dati sa tricycle terminal habang umiiyak."
4. Gawan ng Spotify playlist ang mga 'red flag' moments nâyo. Title: âDi Na Ako Magpapaloko Ulit Vol. 1â Track 1: "Sorry Di Ako Naka-reply" Track 2: "Busy Lang Ako Lagi" Track 3: "Wala 'To, Kaibigan Ko Lang Siya"
5. Magtanim ng halaman at pangalanan ayon sa stages ng sakit. Halimbawa: Regretus Maximus, Sanaolensis, Huling Paasa
6. Sumulat ng letter para sa kanila⊠pero backward ang pagkakasulat. Para kahit basahin nila, maguluhan silaâparang ginawa nila saâyo.
7. Bumili ng candle tapos isulat ang pangalan niya sa wax. Paghilom sa pamamagitan ng apoy. Aromatherapy meets emotional revenge.
8. Magbayad ng utang sa sarili. Oo. Lahat ng effort na binigay mo sa kanya, bayaran mo pabalik. âSorry self, eto o, milk tea + 1 day na hindi kita ginawang tanga.â
9. Magpanggap na hindi ka marunong magmahal. Tapos matutong muli, pero this time, sa sarili mo muna.
10. Gumawa ng short film tungkol sa breakup. Ikaw ang bida, sila ang blurred sa credits. Genre: Horror-Comedy-Romance-Buti Na Lang Tapos Na.
11. Sumali sa online seminar tungkol sa self-worth. Kung may certificate, iprint mo. I-frame. Ipakita sa future crush. âHi, certified ako⊠sa hindi na paulit-ulit sa maling tao.â
12. I-treat mo ang puso mo na parang kotse. Kung sira, i-repair. Kung flat, i-pump. Kung binangga ng ex? Report as hit-and-run.
13. Isama sa grocery list ang âsarili kong respeto.â Pag pinambili mo ulit ng load para tawagan siya? Palitan ng âSkyflakes + dignity.â
At kung wala parin. Bahala kana.
May kwento ako.
Basta sagot mo ang kape ko.
â coff.ee/kwentoniblack