Vlog Posers, BTS 😂😂😂 #latepost #naiwanan #vlogislife #eatingislifer #SkyeGirl #Ohmaimama
seen from Italy
seen from China

seen from Malaysia
seen from Japan
seen from United States
seen from Canada
seen from United States

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Iceland

seen from United States

seen from France
seen from China

seen from Germany

seen from United States

seen from United States
seen from Canada
seen from United States
Vlog Posers, BTS 😂😂😂 #latepost #naiwanan #vlogislife #eatingislifer #SkyeGirl #Ohmaimama
Iniwan na niya ako.
Alam niyo yung feeling maiwanan? Hahaha. Ansakit diba? Hindi naman niya talaga ako iniwan, na siya mismo nagsabi na ayaw na niya. In fact, ako nagsabi nun. Pero alam mo kung bakit siya pa din ang nangiwan saming dalawa? Kasi ako, bumalik ako sakanya, inaayos ko “kami” kahit kasalanan niya. Pero wala eh. Siya nagsabi na di na daw niya alam kung ano gusto niyang mangyari saaming dalawa. Sa relasyon namin. Ansakit sakit sakit lang isipin na yung dating nag cocomfort sayo, siya na yung nagpapaiyak sayo ngayon :(
Sino nga ba ang mas nasasaktan: yung aalis o yung maiiwan?
Alam mo, wag kang malungkot kung iniwanan ka ng taong mahal mo. Hindi naman ikaw yung nawalan eh. Siya yung nawalan.
Nawalan siya ng taong totoong magmamahal sa kanya.
NAGMAHAL NAGMAHA
NAGMAH
NAGMA
NAGM
NAG
NA
N
NA
NAI
NAIW
NAIWA
NAIWAN
NAIWANA
NAIWANAN
Ang Nang-iwan at Naiwan
Darating tayo sa punto na kailangan nating iwan ang mga taong mahal/minamahal/minahal natin hindi dahil sa hindi na natin sila mahal.
Kundi kailangan nating gumawa ng desisyon para sa sarili natin.
Para umunlad bilang tao.
Pero naiisip mo ba ito kapag ikaw ang naiwanan?
Madalas mas gusto nating nang-iiwan kesa sa tayo ang maiwanan, mas madali kasing mang-iwan kesa ang maiwan, marahil takot tayong maiwan kaya nga tayo na ang nang-iiwan.
Pero kapag tayo ang naiwanan, para bang katapusan na ng mundo iyon dahil lahat ng akala mong hindi mawawala, sa isang iglap, wala na pala. Yung akala mong masaya, hindi na pala.
Naranasan ko na ang mang-iwan, marahil maraming beses na, at masakit makitang may nahihirapan sa pagkawala mo. Guilt at kung minsan, kung mamalasin ka pa, Regrets ang dulot nito sa’yo.
Pero kung sa ikasasaya mo ang ginawa mong paglisan, hindi ka dapat makaramdam nung huli. Dahil pumili ka ng bagay na alam mong mas makakabuti para sa’yo. Alam mong tama para sa’yo. Minsan mananatili nga lang yung guilt, pero ang tao nakaka-move on.
Naranasan ko na rin ang maiwanan. Ang masasabi ko lang, walang kasing sakit at kaydali kesa sa mang-iwan.
Sobrang nakakapanira ng buhay, at nakakawala ng pag-asa.
Pero hindi ko pinipili at pipiliing maging miserable dahil naiwanan ako. Ayoko rin bigyan ng dalahin yung taong nang-iwan sa akin, dahil tulad ng karanasan ko nung ako ang mang-iwan. Hindi siya makakausad kung pipiliin kong maging miserable, at lalong hindi maganda kung mas pipiliin niyang manatili sa akin lalo kung awa at hindi dahil masaya siya kaya niya piniling manatili.
May mga bagay na pilit mong iignorahin lalo na kapag nasasaktan ka. Pero kung mas pipiliin mong maging malungkot, paano ka sasaya?
Tulad nga ng sinabi ko, ang tao nakaka-move on. Habang may buhay tuloy lang yan sa paghinga. Mahirap, oo, pakiramdam mo hindi ka makaka-survive ngayon. Sige, namnamin mo lang muna ang sakit. Umiyak ka hanggang sa kung kelan mo gusto.
Ang kasiyahan mo ay hindi dumidipende sa isang tao, bagay o pangyayari. Pwede silang maging dahilan pero nasa sa iyo yun kung paano ka sasaya at mananatiling masaya.
Normal lang maging malungkot dahil nasaktan ka.
Pero wag mong kakalimutang mabuhay at maging masaya para sa sarili mo at hindi para sa iba.