redraw of a post on twt in my style 👀
seen from United States

seen from Russia

seen from United Kingdom

seen from Netherlands
seen from Türkiye

seen from Netherlands
seen from China
seen from China

seen from South Korea
seen from Argentina
seen from United States
seen from China

seen from Malaysia
seen from United Kingdom
seen from Hong Kong SAR China

seen from China
seen from China
seen from United Kingdom
seen from Yemen
seen from United States
redraw of a post on twt in my style 👀
20↑ | art blog
🪽 art tags
⤷ #my art - all art posts | #natapos din - finished art | #abangan - wips | #la lang - sketches, rakugaki
💭 misc tags
⤷ #asks - answered asks | #eto na - ask requests | #daldalan - rambling
FAQ + extras below -ˋˏ✄┈┈┈┈
my sinful adobo. 😋🤤
It’s tiring to be in that same place different time, every day alone. char
Thank God naging maayos yung result ng defense namin today. :) Naging mabait na samin yung mga panel at hindi na kami pinahirapan. Atlast, garantisadong makakagraduate na ko sa May. Hay ang sarap ng feeling haha! Kailangan nalang naming kumpletuhin yung mga attachments para marelease na yun grades namin.. Onting kembot nalang.. Kering keri na itey! ^^
Name Game
Nang magtayo ng kolonya ang Espanya sa Amerika, isa sa mga lugar ay pinangalanan nila ay "El Pueblo de Nuestra Senora la Reina delos Angeles Porciuncula". Ngayon, pinaikli ito at mas kilala bilang Los Angeles o L.A., lugar ng mga basketbolistang LA Lakers. Ang Bangkok naman na capital ng Thailand ay may totoong pangalan na Mahintharayuttaha Mahadilokpok Noparatratchathani Burirom Udomratchanivetmahasathan Amornpiman Avatarnsathit Sakkathattiyavisnukarmprasit (167 titik). Ang pinaka mahaba namang pangalan ng isang lugar na hindi ginagamitan ng mas maikling bersyon ay ngalan ng isang burol sa New Zealand na tinatawag na Taumatawhakataghinangakoauauotamateaturipukapikimamaungahoronukupokaiwhenuakitanatahu (85 letra) na kung sasabihin mo ay mas hihingalin ka pa kaysa akyatinnang nasabing burol. Ang pinaka maikli naman ay isang barrio sa France na tinatawag na Y at may populasyong 143 na katao.
Kadalasan, nagiging sikat ang isang lugar dahil sa pangalan nito. Kung minsan naman, pinapalitan ang pangalan ng isang lugar upang ito ay makilala. Minsan naman maraming pangalan ang ibinibigay sa isang lugar dahil sa iba't ibang tao na nagpapangalan dito. Kagaya ng ating bansa.
Nang makabalik sa Espanya ang mga Espanyol na nakatakas sa massacre sa Pilipinas, ikinuwento nila ang mga lugar na napuntahan nila kabilang ang mga isla sa Visayas. Sinabi ng sikat na kartograpo na si Gerardo Mercator na ang napuntahan nila ay maaaring ang mga isla na tinatawag na Barussae ni Ptolemy. Si Ptolemy ay isa ring kartograpo na nabuhay noon pang ikalawang siglo. Ibinigay ni Ptolemy ang mga pangalang Maniolas, Barusas, Baroussai at Taprobana sa mga isla sa Arkipelago ng Malay. Inakala tuloy ng karamihang historyador na ang Barusas ay maaaring ang Visayas at ang Maniolas ay Maynila.
Ang mga Intsik naman ay nakikipagkalakalan sa ating bansa noon pang ika-10 siglo. Tinawag nilang Ma-i/Ma-Yi ang ating mga isla sa ginawa nilang mga mapa. Minsan, napagkakamalan namang Luzon ang buong kapuluan dahil sa ibang sinaunang mapa, ang Pilipinas ay tinawag na Lu Zong (o ang malayong lupain), Liu-sin, Lucon, Lucones o Luconia.
Noong Marso 16,1521, (Marso 17 na ngayon sa mga aklat ng kasaysayan) na araw ng kapistahan ni San Lazaro, pinangalanan ni Magellan ang kanyang lupang nadiskubre na Archipelago de San Lazaro o Kapuluuan ni San Lazaro. Tinawag naman ng ilang manlalayag ang ating bansa na Vall Seu Parigne o "Ligtas na Lambak" dahil sa kabaitan ng mga katutubo na nakatira dito kumpara sa mga katutubong nakatira malapit sa ating kapuluan na tinawag naman nilang Islas selas Ladrones (o Isla ng mga magnanakaw) ang lugar dahil sa naranasan nilang pagnanakaw sa knilang mga gamit.
Matapos ang ekspidisyon ni Magellan, ang Pilipinas ay tinawag ng mga Espanyol na Islas del Poniente o mga Isla sa Kanluran. (Bagaman ang Pilipinas ay nasa Silanganng Espanya, naglakbay sila Magellan pakanluran kaya't inakala nilang ang lokasyon ng Pilipinas ay sa Kanluran). Tinawag naman ng mga Portuges ang Pilipinas na Islas de Oriente o Mga Isla sa Silangan dahil naglakbay ang mga manlalayag nila pa-Silangan mula sa Portugal.
Minsan naman, ang ating lupain ay tinawag na Islas de Liquios Celebes o mga Pulo sa Dagat Celebes batay sa ilan ang sinaunang mapa.
Inakala ng karamihan na ang pangalang Pilipinas ay ibinigay ni Magellan matapos niyang ipatayo ang krus na sumisimbolo ng pagsasailalim ng ating bansa sa kapangyarihan ng Espanya at ni Felipe II. Ito ay isang malaking pagkakamali dahil hindi si Magellan kundi isang manlalayag na nagngangalang Ruy Lopez de Villalobos, ang nagbigay ng pangalan nito noong 1542. Binago niya ang pangalang ibinigay ni Magellan na Archipelago de San Lazaro at ginawang Felipinas (minsan ay Philipinas) para sa Prinsipe ng Espanya na sa Felipe II. Sinabi na isang isla lamang ang pinangalanan ni Villalobos na Filipinas kaya noong 1561, ginawa itong Las Islas Filipinas na tumutukoy sa buong kapuluan. Kaya, kung itatranslate ang Filipinas sa Ingles, magiging Ohilippines ito at kung tatagalugin ito ay magiging PILIPINAS.
Source: A Country That Had Many Names ni A. Ocampo
Lihim ni Luna
Itong banga ang imbakan ng kaniyang
mga lihim na ikinukubli mula
sa mapanlinlang na sinag ng araw.
Katahimikan. Katahimikan lamang.
Ito ang bumubuo sa katawang
puno ng tangis at kapighatian
Sinipat niya ang kaniyang
mga pisngi at nasapo
ang likidong tumutulay
sa kanyang manipis na
balat na mistulang napanit.
Ibang klaseng nota naman
ang malayang lumilipad sa hangin.
Ito'y sa melodiya ng kabiguan at kasawian.
Hiwaga nga ba ito? Isang misteryo? O ano?
Tila nangamatay ang mapupunyaging kulay sa palibot
Namumutawi ang himig ng lumbay at pangungulilla sa init.
Anong mayroon sa bukang liwayway na kaniyang hinihintay?
Maging ang mga tala sa kalangita'y siya'y pinagtataguan.
Winawaksi na ang hanging dumadampi sa balat niya.Wala ng pag-asa.
Humalukipkip siya at ibinalot ang tuhod na nawawalan na ng lakas.
Katapusan. Katapusan lamang ang kaniyang hinihintay. Ito na'ng wakas.
Nahahapo na ang kaniyang mga matang magdamag sa pakikipagtunggali.
Pagsuko na ang tanging paraan. Buhay para sa buhay. Kamatayan. Ang
bawat segundong lumilipas ang kumikitil sa kaniya paunti-unti. Ito ang
ganti ng kasalanang hindi siya ang may sanhi. Nilalamon ng
karamdaman ang kanyang laman. Nilululon siya ng buhay ng 'sang
halimaw na nasa loob ng kanyang katauhan. Maya maya lamang
ay guguhit na ang pinong liwanag ng araw. Nasusuklam siya
sa sarili. Naguguluhan sa mga tunay nakaganapan. At ang
tanging saksi lamang ng kalunusang ito ay ang
mukha ng buwan na minamasdan siya
sa kadiliman ng pagiisa.
31 songs na download ko!ang tagaaaaaaal!