Vince Carter says he Beats MJ #vincecarter #michaeljordan #nbatalk #nbap...
https://youtube.com/shorts/XlDFaunyNoQ?is=s70wEZtteKX4ZF8X
seen from China
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from Russia

seen from Poland
seen from France
seen from Japan
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Chile

seen from Russia
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from Türkiye
seen from United States

seen from United States
seen from United States
Vince Carter says he Beats MJ #vincecarter #michaeljordan #nbatalk #nbap...
https://youtube.com/shorts/XlDFaunyNoQ?is=s70wEZtteKX4ZF8X
Slam-filled.
Sabi dun sa isang linya sa slam last weekend, "Binalikan ko ang mga bakas na iniwan mo, at inaamin ko.. umasa akong magkakasalubong tayo. Kumukupas ba ang pagibig? Totoo bang isang araw ay magigising ka na lamang na iba na ang tinitibok ng iyong puso?" (c) Kat Abril Grabe. It's 12:41 and I'm thinking about you again. Though mas sane na ako ngayon at walang luha sa mata... Iniisip ko, sa mga ganitong pagkakataon kaya na hindi ka makatulog, naiisip mo rin kaya ako kahit saglit? pag naririnig mo yung pangalan ko na binabanggit ng iba, kumikirot yang dibdib mo kasabay ng flashback kung paano mo ako dinurog? Napapangiti ka kaya kapag naiisip mo yung mga bagay na pinagtawanan natin noon? Sa tingin ko kung makakasalubong man kita, kaya kitang ngitian, sabay talikod at sasabihin sa sariling "kaya mo pa". Sabi pa ng isang linya sa slam: "unti mo kaluluwa ko humiwalay sa katawan ko, para lang yakapin ako at sabihing "tama na"' (c) from an open micer Oo nga, tama na Ainah.
The End.
December 18, 2015
Hi XXXX. Three days ago you broke me into several pieces. No joke, that is the greatest pain I ever felt my entire life. Yun na yata yung pinakamatindi. Yung halos hindi na nagfunction yung utak ko. Nung iniwan mo ako, nakahiga lang ako sa sahig, wala akong lakas kahit tumayo man lang, para kumain o maligo. Nasa lapag lang ako, iyak ng iyak ng iyak, puro “XXXX…”, “Lord..”, “Ang sakit” at “bakit” lang yung paulit ulit kong sinasabi. Ganun pala kasakit no? Kaya pala tinatawag nila yung “broken hearted”, because it really felt like your wholeness is being shattered into millions of pieces. Hindi ko na naisip na mahiya dahil baka may nakakariniig sa mala-batang paghagulgol ko hanggang dumating ako sa point na hindi na kaya ng katawan ko yung pressure at tension, and I resorted into cutting. Yup, ngayon, nangangati na yung sugat.
Pumunta ka dito para sabihin sa akin ng harapan na hindi mo na ako mahal, at mahal mo na siya. Here, in the same place where we shared our love, declared our promises and proclaimed our dreams. Dito, sa parehong lugar na ito, sinabi mo sa akin na hindi mo na ako mahal. Ganito pala kahirap mag move on, ano? Mahirap magmove on kasi hindi ko matanggap na lahat ng nakaraan natin, kung totoo’y paano natapos agad? Mahirap mag move kasi habang tinitingnan ko yung kamay mo three days ago, alam ko, na hindi na kamay ko yung hahanapin nun. Mahirap mag move on kasi habang pinagmamasdan kitang tumawa, alam ko na sa mga susunod na araw, hindi na ako yung dahilan non. Mahirap mag move on kasi alam ko na kapag kinilig ka, hindi na ako yung nasa isip mo. Mahirap mag move on, kasi nakita ko na habang tinitingnan mo ako, nagbago na, wala nang kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso mo, wala na yung halong saya at kislap ng mata dahil kasama mo ako. Mahirap mag move on kasi alam ko na kapag nangarap ka para sa future mo, hindi na ako yung kasama mo dun. Mahirap mag move on, kasi gusto ko pang dagdagan yung mga araw na kasama kita, na alam kong ngayon, tapos na.
Nung niyakap mo ako tapos umiyak lang ako ng umiyak sa balikat mo… gusto ko pang umasa. Na baka kahit konti, nanjan parin ako sa dibdib mo. Na baka sakali, magbago pa yung isip mo. Na bigla kang magising at masabi mong “hala ito talaga yung mahal ko”. Na bigla kang manghinayang sa kung ano man yung tinatapon mo. Nung niyakap mo ako, halos ibigay ko na sayo yung buong bigat ko para maramdaman mo na unti unti mo akong ginagiba, na wala pang nakakawasak sakin na kasing tindi ng ginawa mo. Gusto kong maramdaman mo nung pagkakataon na yon, kung paano ko binigay sayo lahat lahat ng damdamin at kinabukasan ko. Dahil akala ko aabot tayo dun. Dahil sabi mo aabot tayo dun. Akala ko pareho nating pagttrabahuhan na makarating dun. Hindi ko alam na bibitawan mo ako. Hindi ko alam na susukuan mo ako. Dahil anong sabi mo, napagod ka na?
Nung umalis ka, wala na akong ibang nagawa kundi maramdaman lahat ng sakit. Twice I’ve been in a psychological theraphy dahil nagkaroon ako ng emotional problem. Over the years since childhood, my capacity to feel has been completely dysfunctional. Once I reach a certain limit, I shut down, devoid of any emotion. I guess when you left me; I was completely healed from that because I felt the pain in every fiber of my being. And now I wish I could go back to being numb, just to silence the pain, and keep myself from still feeling the happiness of our memories. Pero siguro kaylangan kong maramdaman to, para dumating yung panahon na mapagod ako… Mapagod na mahalin ka.
Sabi ko sayo, gusto kong marinig galing sayo mismo na hindi mo na ako mahal. Para pagkatapos nun, hindi na ako magiisip pa ng mga what ifs. Sabi mo “Wala na. Tapos na. Wala nang naghihintay sayo”. Sa sobrang sakit natawa pa ako nun eh. Pagkatapos tinanong ko sayo yung tanong na sana hindi ko nalang tinanong, hindi ko kasi alam na that would be the end of me. “Gaano katagal mo na shang nilalandi?” Sumagot ka, “hindi ko sha nilalandi”….”seryoso ako sakanya”. Alam mo bang sa pagitan ng dalawang pangungusap na yon, umasa ako? “Yes! Di nya yun nilalandi! Ako parin!”… Kaso dinuktong mo yung pangalawang sentence. Sentence na familiar, dahil sinabi mo rin yun sakin dati, pero hindi na sha para sakin ngayon. I never knew that a sentence has so much power to break a person. Hindi ako makapaniwala. Hindi maproseso ng utak ko kung ano yung sinabi mo, kung anong point mo.
But, one thing I could not understand about this whole freaking thing is that, I don’t feel any anger towards you. Grabe. Any logical woman would curse you now, for what you did. But I don’t. Walang halong kaplastikan, I still wish the best for you. Hinihiling ko na maging masaya ka sa pinili mo. Which is by the way, the easy way out, since mas madali yan kesa patunayan sa mga tao na worth it ka para sakin. Hours after you shattered me, I talked to people who could help you with your situation, even though yun mismong situation na yun ang sinabi mong dahilan why you gave up on us, simply because I know that it hurts you. Sobrang pag-aalala at concern lang yung naramdaman ko nung nalaman ko yung situation mo. Nakilala kasi kita na mabait at may mabuting puso, kaya hindi ko kayang talikuran ka lalo na ngayong alam ko yung pinagdadaanan mo. Sapat na sakin na nasabi ko sa taong alam kong concern talaga sayo.. that’s the most I can do for you since hindi na ako parte ng buhay mo.
Kaya kung tatanungin ako, oo sobrang sakit talaga, pero hindi ako galit. Kasi kung nagbago na yung nararamdaman mo sakin, wala naman na akong magagawa eh. Ano pa bang laban ko dun eh mahal mo na nga sha diba? Tanggap ko na na hindi na magkakaroon ng tayo, tanggap ko na na hindi mo na ako mahal. Tanggap ko nang wala ka na. At least, dahil sa nangyari, malinaw na sakin na wala na akong aasahan. Malinaw na sakin na hanggang dito na lang. Malinaw pa sa tubig na dapat tumigil na ako. Sana rin, eto na yung huling letter ko sayo. Kaylangan matapos na yung mga pages na nilalaan ko para sayo, since hindi na ako kasama dun sayo. Sana sa panahon na malaman kong kayo na officially, o kaya ikakasal na kayo, healed na ako, para hindi na ako madurog all over again.
Salamat sa konting panahon na binigay mo sakin na pinaramdam mo kung gaano katinding love yung pwedeng maiparamdam sakin. Salamat kasi naging sobrang saya kong kasama ka. Salamat sa mga pangarap at plano… sayang, hindi na natin naituloy. Sana sa susunod na magkrus yung landas natin, pareho na tayong masaya. Ikaw kasi eh, pinili mo kung ano yung masaya para lang sayo.
On the positive note, alam ko na hindi pa ito ang katapusan ng lahat para sa akin. Alam ko na somewhere out there, God is reserving someone for me. Yung someone na kaya akong mahalin ng tama, irespeto at alagaan. Yung someone na nasasaktan din pag nasasaktan ako kaya hindi ako sasaktan? Oo, naniniwala pa rin ako na nandyan siya. Sayang akala ko nga ikaw na yun eh. Nung naiyak ako sa sahig, naramdamam ko yung tapik ni Lord, sabi niya “Oh, mahal kita ha. Wag mong pagdududahan yan dahil sa nangyari”. Yun na nga lang yung pinanghahawakan ko eh, kaya eto after three days nakanigti na ako. Pero shempre masakit parin, pero okay lang, mapapagod din akong masakatan.
I hope to meet you once again when we’re both better na, and hopefully, matawa na lang tayo sa lahat ng nangyaring to. Hanggang sa muli, paalam!
Uy online sha!
Nagtype ako. "Labyu" Tapos delete ulit. Hahaha. Hays. so ano? Ganito nalang tayo? The danger of being in love in a distance is that you'll never know if he still feels the same way, or ikaw na lang yung umaasa. Ang sakit no? Ikaw patype type kapa ng unsent messages, habang di mo alam, sha pala may china hat ng iba. Ikaw nangangarap at umaasa pa rin sa inyong dalawa, pero sha pala may iba nang inaasikaso, minamahal, iniisip. Habang ikaw, ikaw, andun ka parin. Nagttype ng "labyu".
I miss him.
Like so much. And there's nothing I can do now but endure, because good things come to those who wait, right?
It's Nicole Beharie Appreciation Week!