golden hours and shared hearts
summary: a sun-kissed birthday turns into a blissful celebration of love, laughter, and family with your eight husbands, little ones, and the warmth of home by the sea.
pagkatapos ng maikling “morning riot” sa sala, pinuwesto ka nilang parang prinsesa sa gitna ng malalambot na throw pillows sa couch. nakakumot ka pa, hawak ang mainit na mug ng tsokolate na nilagyan pa ni samuel ng mini marshmallows na hugis puso.
“para sa’yo talaga ‘yan, baby ko,” sabay kindat niya, proud na proud sa masterpiece niyang hot choco with whipped cream swirl. “wag mo sabihing too sweet kasi ikaw din ‘yan!”
“alam mo ‘yan, bubby,” sabi ni julian habang nilalapag ang tray ng mini pancakes na may smiley face sa gitna. “pinagsalitan ko ng saging tsaka blueberries, kasi sweet ka pero may layers din.”
napangiti ka habang nakatitig sa pagkain. “may layers? pinapataba mo ba ako niyan? gusto mong maging ogre ako?”
“langga naman,” sabay upo ni stanley sa tabi mo, hawak ang platito ng garlic longganisa at itlog. “kahit ogre ka pa, mahal pa rin kita. pero seryoso, ikaw pinaka-cute na ogre na makikita ko kung sakali man.”
“grabe kuya,” singit ni andy, may bitbit na sinangag at nilagang itlog. “sino ogre dito? birthday ‘to ng mahal ko, ‘wag kang bastos! eh kung i-prank kita mamaya?”
“paano mo siya ipaprank ngayong birthday niya?” tanong ni sean mula sa bar counter, nakasandal habang nag-aayos ng fruit bowl. “you know that’s a crime on this day.”
“bawal muna ang kahit anong lokohan ngayon and babe’s off-limits today,” sabay sabay sila tumango.
“hon,” sabi ni shawn, lumapit habang hawak ang vitamin supplements mo at tubig. “please drink your water. and yes, vitamins. no fighting me on this, it’s part of my love language.”
“tinatakot mo ba ko ng gamot ngayong birthday ko?” natatawa mong sagot habang tinanggap pa rin ito.
“actually,” sabat ni shiloah, “si darling ay hindi dapat nagbubuhat ng kahit ano ngayon. kaya kahit ‘yang baso, ako na lang dapat. relax ka lang, okay?”
“love,” ani jace, lumapit mula sa likod mo at inilagay ang isang maliit na gift box sa harap mo, “i don’t like grand gestures. but i like seeing you smile. so… open it.”
binuksan mo ang maliit na kahon at nandoon ang eleganteng pendant na hugis infinity symbol, may maliit na ukit sa likod na pangalan ng walo nila… at pangalan mo sa gitna.
lahat sila tumahimik saglit, pinanood kang hawakan ang kwintas na may kahulugan. sinalubong ka ng mga tingin nilang puno ng pagmamahal, iba-iba man sila, pare-pareho ang intensity ng pagkalinga.
biglang tumayo si andy. “okay! time for birthday kisses. isang halik kada asawa!”
“YES. TRADITION ‘YAN,” sigaw ni stanley.
natawa ka habang unti-unting lumapit ang bawat isa, isa-isa nilang hinawakan ang kamay mo, sabay halik sa noo, pisngi, o labi, kung saan man sila komportable at sweet. walang bastos, lahat ay puno ng respeto, kilig, at pagmamahal.
si samuel, binigyan ka ng halik sa ilong “baby ko, i love you more than buttercream.”
si julian naman, halik sa pisngi, “bubby, salamat sa pagmamahal mo araw-araw.”
si sean? halik sa kamay, “babe, you’re art, literal.”
si shawn na nasa tabi mo ay binigyan ka ng halik sa noo “hon, happy birthday. you’re everything to us.”
si andy lumapit sayo at binigyan ka ng halik sa labi “mahal kita, mahal ko. more than jokes.”
si stanley naman, halik sa pisngi “langga, ikaw lang, palagi.”
si shiloah unti-unting kang nilapitan sabay halik sa sintido “darling, ang ganda mo, sobra.”
at si jace ang huling humalik sa'yo, halik sa labi sabay sabing, “we love you… always. even in silence.
at sa gitna ng lahat ng halik at ngiti, napuno ng malambot na tawanan ang buong sala. wala kang ibang naramdaman kundi kapayapaan. hindi birthday na may bonggang handaan. hindi rin engrandeng trip. pero ito ‘yung gusto mo, yung umagang puno ng pagmamahal, init, at tunay na presensiya ng walong lalaking hindi lang asawa mo… kundi tahanan mo.
pagkatapos ng tanghalian at ilang oras ng pahinga, unti-unting nabuhay ulit ang paligid. may naghahanda ng mga pagkain at gamit pang-beach, may nag-aayos ng baby bags, habang ang iba ay nagbibihis na ng pang beach outfits; nang marinig mo ang boses ni julian sa likod mo, mahina pero excited, “bubby, let’s not miss the sunset,” doon mo na na-realize na hapon na pala, oras na para tumuloy sa beach kung saan naghihintay ang buhangin, alon, at ang golden hour na para sa inyong lahat.
tama nga sila. wala na yatang mas babagay pa sa birthday mo ngayon kundi ang simpleng beach day kasama ang buong pamilya. mainit ang araw pero may malamig na hangin, banayad ang hampas ng alon, at ang buhangin, malambot sa talampakan mo habang bitbit ka ng mga asawa mong parang ayaw kang pakawalan.
“love, careful,” paalala ni jace habang hawak ang bewang mo, bitbit naman sa kabilang braso si jaxon, suot ang maliit niyang rashguard. “say hi to mom,” aniya, nakangiti kay jaxon.
“mooooom!” sigaw ng batang lalaki habang pilit iniaabot sa'yo ang maliit niyang timba.
sa di kalayuan, si shiloah nakaupo sa malaking beach blanket, hawak si saoirse habang nilalagyan ng sunblock ang makinis na kutis nito.
“darling, tingnan mo oh. gusto raw niya ng seashells. oh, anak, kay mama ka magtanong ng magandang shell ha?”
“mamaaaaaa~ shell pooo~” sabay lapit ng batang babae, palapit sa’yo habang nakapajama shorts pa siya at may flower clip.
“wait lang, mami!” sigaw ni stanley, habang hinahabol ang kambal niyang sina stefan at sanford, parehong nakatapis lang at may hawak na mini surfboards. “stefan! sanford! ‘wag kayong lumusong ng walang floaties!”
“daaaaadddi! i’m a fishieee!” sigaw ni sanford.
“me toooo, mami!” sabay ngiti ni stefan sa’yo habang humahalik sa tuhod mo. “wuv you!”
naiiyak ka sa kilig habang napaluhod, sabay yakap sa kambal.
“si julius naman, ayan oh.” tawag ni julian, habang naglalakad papunta sa’yo na may hawak na julius na ngayon ay busy sa pagnguya ng baby biscuit habang tinuturo ang dagat. “mama… mama… wawer.”
“papa at mama,” ulit ni julian habang pinapahawak si julius sa kamay mo, “maglalaro tayo sa water mamaya.”
sa gilid ng cottage, may mini playpen na gawa sa net. doon naroon ang hamsters ni andy na sina oreo at peanut, umiikot sa mini wheel habang si andy naka-sombrero at may hawak na bubble gun.
“MAHAL!” sigaw niya sa’yo. “gusto mo ng bubbles habang hinahalik-halikan ka namin?”
“hindi pa ba enough ‘tong lahat ng ‘to?” tawang-tawa mong sagot.
si samuel, nakaupo sa picnic mat habang pinapahigop si sugar, ang maliit niyang shih tzu, ng tubig mula sa pink bottle. “baby ko, si sugar gusto raw lumangoy. tingnan mo, oh.” tumingin si sugar sa’yo, tumahol ng isa. “oh diba, she agrees.”
“cleo, come here, sweetheart,” tawag ni shawn, habang kinukuhanan ng picture ang persian cat na si cleo na naka-cat vest at nakaupo sa ibabaw ng towel. sa tabi niya, si theo, ang corgi, abala sa paghuhukay ng buhangin.
“hon, theo’s going to reach elsewhere if we let him keep digging.”
“don’t challenge him, hon,” sagot mo habang tumatawa.
lumingon ka at bumungad si ate mari, naka-beach dress, nakangiti ng malaki. sa likod niya ang anim mong kuya at lahat naka-polo shirts, shades, at may bitbit na gifts at pagkain.
nauna si kuya harrison mo, naka-arm around si ate mari. “mahal, do you think my little sister’s still alive after all that baby love from his husbands?”
“nakaka-overheat sa kilig,” sabay halik ni ate mari sa pisngi mo. “happiest birthday, sis!”
si kuya yves mo naman ay tumango at ngumiti, “hon, mukhang na-suffocate na yata siya sa yakap ng walong asawa.”
si kuya rj nagbiro pa, “baobei, hindi pa ‘to complete. wala pa kaming group performance, sasayaw pa ako ala jak roberto.”
si kuya charles mo naman ay nagtawag na sa asawa niya, “babe, saan ‘yung mga drinks? mamaya tayo mag-party games.”
si kuya rico sa ‘di kalayuan ay buhat naman ang kambal mo kay stanley na si stefan at sanford nang sabay, “baby ko, gusto ko rin ng kambal. pero ‘wag muna ngayon. beach day muna.” aniya sa ate mari mo.
si kuya yuan mo naman, naka-shades at may bitbit na bluetooth speaker ay nakatingin sa asawa niya, “the program’s about to start, let’s make this day special for her, my love.”
nagsimula na nga ang informal program na pinaghandaan nila. si sean ang tumayo, hawak ang mic, at sinabing:
“okay! rule is: everyone says one sentence to the birthday girl. husband or child, even furbaby translator, no exceptions.”
tumawa ang lahat. nagsimula ang mga asawa mo:
jace: “you bring balance to my chaos. Happy birthday, love,” sabay halik sa kamay mo.
shiloah: “darling, ikaw lang ang bagay sa mundo naming walo, salamat sa lahat.”
stanley: “langga, wala akong ibang gusto kundi ikaw ang kasama ko habang tumatawa habang buhay.”
andy: “mahal, kung cake ka, ikaw yung ubos agad kasi lahat kami sabik sa ‘yo.”
shawn: “hon, loving you feels like breathing, natural, necessary, and constant.”
sean: “babe, you’re the sun to this whole galaxy of ours.”
julian: “bubby, ikaw yung blueprint ng tahanan. walang ikaw, walang direksyon.”
samuel: “baby ko, every dessert i make is my love letter to you.”
sabay-sabay na pumalakpak ang mga bata. medyo hindi pa sila maintindihan, pero heto ang sinubukan nilang sabihin (kasama ang tulong ng mga daddy nila).
jaxon: “happy booday, mom!” sabay abot ng seashell.
saoirse: “mama… wuv…!” sabay yakap sa’yo.
sanford: “dadi said say… ‘you’re… buwiful!’”
julius: “mamaa… happy, happeee!”
nagulat ka nang may biglang umilaw mula sa gilid, may projector silang dala. pinatugtog ni sean ang background music habang nag-play ng video montage ng mga larawan mo sa mga baby, with little notes written in crayons:
"my mama makes me laugh,"
"you’re the prettiest in the whole beach!”
and as the sun rises higher, napuno ng tawanan, pagtakbo, soft sand, at baby giggles ang buong baybayin. may nagluluto ng skewers, may nag-uusap tungkol sa mga unang hakbang ni saoirse, may nagpipicture sa furbabies, at may mga lalaking palaging lumilingon sa iisang direksyon sa’yo.
you, surrounded by love, not just by your eight husbands, but your kids, your furbabies, your siblings, and a sister who also found love in chaos. on this day, everything aligned like the waves: warm, rhythmic, and endless.