heyyyyy besties 😁🫰🏼 im thinking of opening requests for mini smaus na! send lang kayo, gagawin ko yan 🫵🏼🫡
(might also do requests for soljaem/talahyuck/paligoyligoy!jaemyn so if may gusto kayo makita for them sabihin nyo lang kung ano hehe u can also request for jisung and chenle na kasi im planning to write for them na rin! 🫶🏼)
kung ayaw nyo… dali na nagmamakaawa na yung tao oh charot HAHAHAHAHAHA
also palaa, thank you so much sa 126 ffs na 'to!!! I'm very happy and glad I have this many readers even if antagal ko magpost minsan qufjajsbsh 😭.. I really appreciate it, more ffs for me to comee!! Pag nag 130 'to magrerelease ako ng surprayz ahihihi
Plot: Where you got attracted to your brother’s friend, Na Jaemin and started to grow close not knowing you are starting to fall for him. But your brother, Jaehyun told you not to get too attached to his friend. Will you take risks? Just so your brother won’t get hurt?
A/n: Hallurrr!! Ep 3 is hereee! Sorry natagalan Ilang beses ko kasi iniyakan ung acads like LEGIT.. Tho i am proud umabot to 1.4k words mahigit ayee. Wala pang smth spicy atm dahil slowburn to chz. HAVE FUN READINGGGGG!!!
Pagbukas mo ng pinto, unang bungad sayo ang kuya mong walang expression sa mukha.
"Hoy kitang-kita ah. May kausap na lalaki??" Nagulat ka dahil paano ito nakita ng kuya mo? Pero buti naman ay hindi niya alam na si Jaemin yun. "And si Jaemin pa kausap mo? Bakit kayo magkasama, akala ko ba mga friends mo kasama mo?"
Yari ka. Alam niya na si Jaemin yun! Paano ka kaya nakita ng kuya mo?
"Huuh? Nakasalubong ko lang si Kuya Jaemin eh siyempre ang rude naman diba, di ko pansinin so nag hi ako at nagusap kami saglit." Palusot mo. Hindi mo nga alam kung ano sinasabi mo, atsaka bihira ka magsinungaling sa kuya mo dahil ang hirap magsinungaling dito.
"Aba, siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling ha. Hindi tayo pinalaking magsinungaling nila mama." Kanyang banggit, pero wala ka talagang choice kundi magsinungaling dahil ayaw mo mahuli.
---
Ngayon ay pabalik ka na sa University dahil pasukan niyo na ulit. Ikaw ay nag impake ng mga gamit mong dinala dito sa condo niyo ng kuya mo.
Hinatid ka ni Jaehyun para alam niyang di ka pupunta kung saan-saan. Nakarating na din kayo at ito'y nagpaalam na sayo.
"Hoyy ang pogi talaga ng kuya mo reto mo naman ako oh!!" Banggit ng isa mong kaibigan na si Mischa.
"teh for real ang pogi like bakit kasi isa lang kuya mo.. bat ka kasi babae edi sana ikaw nalang crush ko- aray!" Pinalo mo naman ang isa mo pang kaibigan dahil sa sinasabi nito. Mga kaibigan mo nga naman... obssesed sa kuya mo!
"harot niyo naman dalawa! Tigilan niyo kuya ko walang balak yun mag-jowa sa ngayon!" Yung kuya mo kasi kakagaling lang sa breakup, kaya overprotective ito sayo eh. At patuloy kayo nagbardagulan ng mga kaibigan mo.
---
*ting!
tunog sa iyong phone, at nakita mo may message ka. From Jaemin.
🐰: Hi. Asa uni ka na pala?
You: Hi Jaemin! Yes, sadly. Want ko pa magrelax kaso pasukan nanaman. huhu:((
🐰: Aww. Okay lang yan, malapit ka na rin matapos diyan. Kamusta pala?
You: I'm good, tired lang atm, tho craving for McDonald's kanina paaaa.. ayaw kasi ako bilhan ni kuya Jaehyun kanina grr..
🐰: Haha okay. What do you want? Give me your dorm adress na din, ako na oorder for you.
You: Luh?? Hoy😭 I didn't ask you to buy me mcdo 😭
🐰: Pero want kita bilhan, it's my choice. Kaya akin na add mo please.
Aayaw ka pa talaga sana eh, kaso namimilit din si Jaemin so no choice ka nanaman ulit. You're guilty kasi nung nag cafè kayo nilibre ka niya. Nakakahiya na talaga..
Dumating na din ang mcdo mo at napaka dami naman nito! Parang lahat nang asa menu ay binili nito.
Jaemin messaged you!
🐰: bought a lot. Para sayo and your friends na din. Enjoy your meal and goodluck bukas sa klase niyo! ❤️
You: Thanks, Jaemin! Ewan ko na what to do to return your goodness back 😭. Please take care and thank you talaga!
🐰: Ayoko ng kahit ano pabalik, it's just something I want to do for you ng walang namimilit sa akin. So eat well na kayo diyan. :))
You reacted a ❤️ to Jaemin's mssg.
"GUMAGANON KA NA AH MAY JOWA KA NA PALA??????" Sigaw ni Mischa. "Haluh sanaol pumapag-ibig, kay Jaemin pa?? Isn't that kuya Jaehyun's friend na crush mo??" Banggit ni Jewel, ang isa mo pang kaibigan.
"Hoy anong pumapag-ibig, friends lang kami" "WEH BAT MAY PA MCDO???"
Mischa asked dahil oo nga bakit may pa mcdo. "Anubaaa nabanggit ko lang sakanya then binilhan ako so it's just a friendly doing." Pero inaasar ka parin nila. Tho you didn't mind, dahil sanay ka na sa humor nila.
---
Umagang-umaga, ang panget ng bumungad sayo. Your on your period!
Ang pasok mo pa naman ay 9 AM at 6:30 AM palang ngayon, so hindi naman nakaka-worry dahil hindi naman ikaw madalas sinasaktan ng puson. Ang problema mo lang ay tinatamad kang maglaba. Umagang-umaga ba naman kasi.
Ikaw ay nakapag prepare na para sa pagpasok mo, at 8:20AM na ngayon. Lumabas ka na at papunta sa uni kasama ang mga kaibigan mo.
-----
Ngunit, noong around 10 AM na. Boogsh, sumakit na puson mo. Kaso kailangan mo pigilan dahil in the middle of lesson kayo, at ayaw mo may ma-miss out!
Kaso hindi mo na ito mapigilan. Super sakit kumpara sa sakit na nararamdaman mo dati pag may cramps ka!
Super pinag-papawisan ka na kaya nag-paalam ka sa prof mo na mag-babanyo ka. At chinat mo friends mo, kaso mukhang bc pa makinig sa klase. You went to the clinic kaso wala yung nurse! Your day is getting worser and worser and naiiyak ka na talaga.
Tinawagan mo ang kuya mo, ngunit ang boses ni Jaemin ang iyong narinig. Si Jaemin pala natawagan mo. "Hi Jaemin dapat si kuya talaga tatawagan ko pero since ikaw na kausap ko, don't you mind fetching me here?" Iyak mo, oo naiyak ka na talaga sa sakit. "Okay, sige around 10 mins? Kaya mo ba mag wait? Malayo-layo kasi ako pero I'll try my best to go as fast as I can." Sabi ni Jaemin. Rinig mong sinara na niya ang pinto ng sasakyan niya, at pinaandar ito. "Thank you and sorry Jaemin sa abala." You said worried.
"No, okay lang. Hindi naman abala and plus by hearing you naiyak, I can't be not worried. Sige na end ko muna to, and tawagan kita pag andiyan nako."
After 10 mins, as he promised tinawagan ka niya. Lalabas ka na sana kaso di ka pinapayagan dahil class hours pa. So Jaemin went for you and kitang kita nanghihina ka.
Napalabas na din ikaw after and hirap ka maglakad, dahil sa sobrang sakit nanghihina ka talaga.
Asa loob na kayo ng sasakyan at kinausap ka ni Jaemin. "What happened? Are you on your month?" How did Jaemin know? Of course nag-aaral to ng doctor at kita naman nito nakahawak sa tiyan so that's what he thoughts.
Tumango ka at patuloy na naiyak at naungol sa sakit. "Jaemin.. bring me to my dorm, may pills ako pam patangal cramps.." Your weak voice said. Nag-okay si Jaemin at pumunta na kayo sa dorm mo
---
After a lot of pain nakatulog ka na din. Jaemin is right beside you watching you. Napagod din ito dahil hirap siyang patulugin ka. Wala kasi epekto yung pills na iyong ininom kaya kumuha ng hot compress at hirap ka parin makatulog. Tho for Jaemin kahit napagod siya, he was happy for you dahil kahit hindi niya alam ang sakit na iyong naramdaman, he knows it's very painful.
So he carresed your hand while looking at you. Hawak niya kasi kamay mo habang pinapatulog ka para makatulong sa pagpapakalma. Kaya nakatulog ka hawak-hawak ang kamay nito.
Jaemin needed to leave. May aasikasuhin pa ito, kaya nagleave ito ng note and chocolates. Meron talaga siya kaso noong inask niya if you want chocolate to help you with your cramps, umayaw ka dahil wala kang appetite kumain ng kahit ano. So nilagay niya ito sa bedside table mo.
"Kuya Jaemin? What happened to her?"
at naabutan na pala siya ng mga kaibigan nito. Inexplain niya kung ano nangyari at may binilin sakanila. "So yun. Btw, pagkagising niya pakainin niyo siya dahil wala siyang kain ng hapunan. Mauuna na ako, take care sainyo." Jaemin said at umalis na ito.
"Pogi pala nun in person my gash, mag jowa na ata talaga sila eh" panghusga ni Jewel. "Bagay sila!! Like ang gentleman din pala nun? Very Green flag!" Sabi ni Mischa.
----
You already woke up and ate your food. You were glad wala na yung sakit and hindi ka na mahihirapan. You also ate some chocolates after, and habang nagphophone ka chinat ka ni Jaemin.
🐰: Hi. Okay ka na ba? Kumain ka na din ba? Kumain ka ha, dahil kanina ka pa walang kain. May chocolates din diyan if you want. I hope you are okay, and have a goodnight. 🌙
You: Hi:) Thank you so much Jaemin kanina, I am okay na. Kumain na rin ako and kumain ng chocolates. Hindi ko na alam kung paano pa ako magpapasalamat sayo, andami mo na ginawa saking mabutii:((... tho have a great night Jaemin.
🐰: I am glad okay ka na, and I think I will have a very very great night to know that. And you're always welcome ❤️.
Hineart react mo nalang ulit ito and kinilig ka sa message nito. Like who wouldn't be??
"Tara naaaa movie!!" Yaya ni Mischa at pumunta ka naman sa living area to watch with your two friends. "Tara horror!" "Luh pero siya unang matatakot!" asaran ng kaibigan mo.
You laughed at them and thought, what a wonderful night today.
Plot: Where you got attracted to your brother’s friend, Na Jaemin and started to grew close not knowing you are starting to fall for him. But your brother, Jaehyun told you not to get too attached to his friend. Will you take risks? Just so your brother won’t get hurt?
Genre: Fluff, Romance(?)
Author note: hiii!! I can post little by little now kasi kaya ko naman siguro. Btw guys feel free to tell me what you feel about sa mga sinusulat ko like kunwari medyo plain or like parang ambilis, so I can know your pov and change it for future purposes! I hope you guys have fun reading~
.
.
.
.
.
Nakauwi na si Jaemin. Pinauwi ito ng kuya mo kaagad-agad kinabukasan dahil alam nga naman niya di ka komportable na may ibang tao, pero pati na rin na medyo inilalayo niya ikaw kay Jaemin. "Asan na si kuya Jaemin?" iyong tinanong dahil akala mo bukas pa ito uuwi. "Umuwi na. May kinakailangan pa siyang asikasuhin related med." Pagsisinungaling ng kuya mo, pero medyo totoo naman ito pero hindi naman ito ang pinaka rason. Tumango ka nalang at bumalik sa kwarto mo.
Binuksan mo ang iyong laptop na asa lamesa mo para magtapos ng ibang mga kailangang ipasa sa next week. Bad trip na sembreak ay hanggang Wednesday lang. Nung binuksan mo ito may papel na nakaipit. 'let's be close haha..? 09....' at may naka lagay na jaem sa ibaba. Tinitigan mo ito na parang nagdadalawang isip, pero in the end, inilagay mo rin ang kaniyang number sa contacts mo, dahil may tiwala ka naman kay Jaemin. After all childhood friend ito ng nakakatandang kapatid mo. Nag send ka naman ng 'hi:)' sakanya at pinatay mo muna ang phone mo para hindi ka madistract sa mga kailangan mong gawin na assignments.
Pero.. ang ginawa mo halos ay manood lang ng youtube. parang 99% na nood 1% na assignment. Dahil wala ka rin naman gana gumawa ng mga requirements mo, binuksan mo nalang ang iyong telepono nakalimutang nagchat ka kay Jaemin. Tinanong lang naman nito kung ano ginagawa mo at nagkaroon ng kaunting chikahan. 'are you free tomorrow?' ang message ni Jaemin sa iyo. nag oo ka naman, at hindi mo naisip ang iyong kuya na baka tanungin ka kung saan ka pupunta bukas.
Kinabukasan, ikaw ay ngayon nag-aayos na sa iyong sarili dahil inaya ka ni Jaemin na magkape daw kayo at usap-usap. Siyempre crush mo si Jaemin, edi pumorma ka ngayon. Mas naging crush mo siya ngayon dahil andami mong nalalaman about sakanya na nakakaattract sayo. Like, he is THE standard. Ikaw ay naka skirt na medyo maikli, at naka blause. "At saan ka naman pupunta?" Naitanong ng kuya mo sa paglabas mo ng iyong kwarto. "u-uh, ha ano lalabas lang" kabado mong banggit dahil di mo talaga naalala kuya mo. "Saan nga, kompletuhin mo sagot mo di kita payagan jan eh" Pangasar ni Jaehyun. "Pupunta café, with... friends." Kilala ng kuya mo ang mga kaibigan mo kaya okay lang naman sakanya. "wehhhh pag ikaw ng club kokonyatan kita ha" Sabi ng kuya mo. At inirapan mo siya jokingly.
Asa cafè ka na, na sinabi ni Jaemin. Natanaw mo rin naman ito dahil maluwag ang cafè. Ang susyalin pa nga eh, parang di mo afford to ah. Nagwave siya sayo, and you did it back. "Hello. I guess nakapagpaalam ka sa kuya mo ng ayos?" Kaniyang tinanong. "Actually, sabi ko friends.. hehe I mean you're a friend too, pero ang akala niya is yung mga kaibigan ko sa uni." You mentioned, and he chuckled. "That's okay, dahil I'm sure ayaw ng kuya mo malaman na magkasama tayo." You just nodded still confused bakit ayaw ng kuya mo kayo ay maging malapit sa isa't isa ni Jaemin. Inaya ka naman nito bumili na ng kape and something to eat. and, boogsh nagulat ka. Ang mahal ng kape! "H-hala, uh kuya Jaem di muna pala ako oorder haha..!" You awkwardly laughed and mentioned it. He was about to ask why, but he said something. "If you are worrying about the price, ako naman ang magbabayad. Ako naman ang nag-aya din. So siyempre libre ko to." Kanyang nasabi at papalag ka pa sana ng hindi mo na siya mapigilan dahil asa harap na kayo ng counter.
You got your coffees and food, and did a little chit chatting. You even tasted his coffee, "WTF!! NAKAKAMATAY ATA YANG KAPE MO KUYA" iyong nasabi, muntikan ng mabuga ang kape. Tinawanan ka lang niya. You really aren't the type of person na madaling makapagclose, but Jaemin just hits differently. He made you comfortable, and he is very trustworthy. And your feelings starts to grow really harder.
Hapon na at malapit nang mag gabi. You both had fun, but both tired. "Nagcommute ka papunta dito??" Natanong ni Jaemin. "Mhm, wala pako lisensya. Jaehyun wouldn't let me drive because of it. Delikado daw." Jaemin really appreciates kung gaano ka masunurin sa kuya mo. he loves it. Kaso, he just can't be bothered na nakasuot ka ng maikli at nagcommute ka pa. "This is none of my business, pero I'm just worried the fact you are wearing something short? Alam mo naman kapaligiran these days." Concern ni Jaemin. "Nag-grab naman po ako kuya! that's fine! And mag-grab nalang ulit sko pauwi-" There is no way he will let you, baka mapahamak ka pa dahil gabi na. "No, wag na. Sabay ka nalang sakin hatid kita. Di naman makikita ng kuya mo, don't worry." He just wanted to make sure you're safe. Nag agree ka nalang at nag thank you sakanya. I mean babae ka so mahirap talaga magcommute ng ganitong oras.
You sat infront and Jaemin closed the door for you. ack ang gentleman naman. He went in the drivers seat and started the car. He just started it, pero di pa niya ito pinapatakbo. He was staring at nothing. You weren't that bothered not until he suddenly spoke. "Alam mo ba kanina pinagtitinginan ka ng mga lalake doon sa gilid?" He suddenly opened up. "They were staring at you, na parang inuundress ka na nila sa kanilang mga mata. And the worst thing is, grab drivers sila." You got chills. "Paano mo naman naisip na grab drivers yun??" You questioned. "of course katabi nila sasakyan nilang nakalabel na grab." Doon ka na natakot, what if kanina may balak pala sayo yung naghatid sayo kaninang papunta sa café dito? You started to overthink. "Gladly you're safe papunta. Dapat sinabihan mo ako na magcocommute ka pala. Edi sana nasundo kita." His concern once again.
Malapit na kayo sa condo niyo ng kuya mo, pero nakatulog ka. Jaemin was admiring you, glance by glance. Like, fuck ang ganda mo kasi. Jaemin really felt worried kanina. Hindi niya maimagine mapahamak ka, dahil alam niya na kung gaano ka kamahal ng kuya mo. So he then make sure na hindi na mauulit. Gini-gising ka na ni Jaemin. Halos mag sa-sampung minuto na si Jaemin nakaparada dito inaantay kang magising dahil hindi ka nagigising sa sobrang himbing ng tulog. After two more minutes, finally nagising ka na. "We're here for about 10 mins I think. Baka hinahanap ka na ng kuya mo." He looked at you while telling that. Kay ganda ng bungad ng paggising mo. Ampogi naman kasi nito. "Alam kong pogi ako, pero baka hinahanap ka na talaga ng kuya mo." Nawala ka sa pagtulala sakanya, at nahiya. "a-ay, u-uh okay um una na ako kuya-" "Call me Jaemin. I don't feel like it suits me to be called kuya. Siguro kung bata." He smiled and you laughed. "Okay, thank you so much today. I really enjoyed this day. Next time ulit, Jaemin." Only if you knew kung gaano ka laking epekto kay Jaemin kung paano mo siya tinawag. It sounds too attractive when it comes from you. He then opened his door to go to your side and open yours. Apaka gentleman talaga. once you got out, he was there standing. Pabalik na sana sa driver's seat, when you suddenly pulled his arm and kissed him on his cheek. "Bye! Chat moko pag kauwi mo ha!" You said running to the building, papunta sa condo. Jaemin just watched you, medyo gulat. You kissed him on his cheek. Kaya napangiti ito sa sarili. What a wonderful and memorable day today.
hello. These episodes will be a little postponed, and all I can ask is for your understanding. So kwento ko why din para di naman kayo mapaisip why antagal or bakit ipopostponed. Actually, before ko maipost ang ep. 1 may nangyari. Yung friend ko as in isa sa best friend ko, namatayan siya ng pinsan to make the story short. Love niya tong pinsan na to and di niya ineexpect na mamatay otw papunta sakanya on a car crash. I felt bad kasi kilala ko ung pinsan niyang yon like kinekwento niya sakin. Actually that is why aarang ang simple ng ep 1 ko kasi parang lowkey walang gana, sorry guys. And ito na ang second reason that happened today, my other best friend naman kasi we were hanging out lang kanina and pag-uwi niya, nagaaway parents niya which lead it to a broken fam dahil nagkaroon ng layasan and for now, I have to focus sa mgaa friends ko kasi they were there at my lowest points too, and they're both depressed prolly and ayoko maglead into something else like mag suicide u know. And actually before pa yang dalawang yan, may isa pakong friend na katrio namin nitong namatayan ng pinsan, and she is suicidal na as in binlock na kami para wala na kami communications and worried kami for her, until now wala kami update. So, I hope everyone understands dahil hindi ko alam na sabay sabay to sasalubong and tbh hindi ko narin alam gagawin kasi worried ako sa tatlo kaso di ako marunong mangcomfort ahuhu so I will just watch out for them. Guys sorry ulit, and thank you for understanding.
might post the ep 2 around end of Jan. or earlier or later. thank you:)
Plot: Where you got attracted to your brother’s friend, Na Jaemin and started to grew close not knowing you are starting to fall for him. But your brother, Jaehyun told you not to get too attached to his friend. Will you take risks? Just so your brother won’t get hurt?
______________________________________
Isa nanamang nakakapagod na araw ang bumati saiyo dahil kakagaling mo lang sa unibersidad, at dumaretso ka pa sa condo niyo ng kuya mo. Mayroon ka din kasing sariling condo na malapit sa iyong unibersidad, pero dahil sembreak na din naman, ikaw ay dumaretso dito.
Binuksan mo ang pinto at nakita mo naman na naglalaro ang kuya mo ng PS5 kasama ang kanyang childhood friend. Introvert kasi ang kuya mo at bihira ito mag kaibigan, pero ang pinaka matalik niyang kaibigan ay si Jaemin. Madalas mo siyang nakikita kasama ang kuya mo pero lagi itong may inaabala, kagaya na nang isang beses na may katawag siya sa kanyang telepono, kaya wala talaga kayong interaksyon sa isa't isa. Hindi mo nga rin alam ang mga impormasyon patungkol sakanya eh.
Napatingin sila parehas sa pintuan ng condo niyo, at may halong parang gulat na naguguluhan ang mukha ng iyong kuya. Pinatigil muna nila ang kanilang laro para lapitan ka. "Oh bat ka napauwi?" tanong ng kuya mo dahil hindi niya naman alam na ikaw ay uuwi ngayon. "Sembreak na namin. Ayaw mo ba ako makita?" sabi mo sa iyong kuya na may halong parang tampo sa aksyon at boses mo. "Tanga, siyempre gusto nakakagulat lang dahil ang alam ko dapat ang uwi mo ay sa linggo pa. Friday palang naman" Nasabi nito at dinala ang gamit mo sa may sala. "So ayaw mong napa-aga ako dito, ganon.. ok" sabi mong nang-gui-guilt trip. At patuloy kayong nagaasaran, habang si Jaemin ay nasa sofa lang nagseselpon, at sumusulyap sulyap lang sainyo.
" 'nga pala, si Jaemin andito. Pag wala ka kasi, dito siya nakikitulog para bonding. Kaya nakakabigla lang na bigla kang umuwi." Banggit ng kuya mo kaya napatango ka. Parehas kasi kayo ng kuya mo eh, introvert at hindi ka mahilig sa guests sa condo niyo dahil nahihirapan kang gumalaw-galaw sa kapaligiran. Isa pa, yung pananamit mo ay madalas maikli kaya hindi mo rin gusto ng ibang tao sa condo niyo. Tinignan ka naman ng kuya mo as if parang nag tatanong ng permisyo kung okay lang ba na andito ang kanyang kaibigan. "hmm okay lang naman, si kuya Jaemin lang naman yannn tropa mo eh soo di naman ata big deal hehehe." sabi mong nahihiya. Nag-hi ka naman kay Jaemin at siya ay tumayo at kumaway sayo. "Sige punta na 'ko wa kwarto ko. Bye byee" sabi mong nakangiti sakanila.
Habang ikaw ay nasa kwarto mo, hindi mo mapigilang ngumiti dahil inaamin mo sa sarili mo may small crush ka sakanya. I mean sino ba namang di magkakagusto don?? I mean mas matanda siya sayo ng mga 3 taon, pero age doesn't matter naman daw diba? Pagkatapos mong magbihis, ikaw ay humiga higa sa iyong kama. Nanood ka nalang muna ng Netflix dahil gusto mo munang mag-chill chill. Inaya ka ng kuya mo na kumain, kaso sabi mo naman ay kakakain mo lang kaya hindi ka na kumain.
Hindi mo namalayan ang oras, madaling araw na!! "Fota ambilis ng oras, 3 am na" Plano mo kasing matulog ng maaga dahil lagi kang puyat sa iyong pag-aaral, kaso di mo talaga maiwasang mapuyat. Maya't maya ay nagutom ka na din kaya pumunta ka sa kusina niyo at uminom ng gatas. Kumuha ka rin ng ramen at niluto ito. Nagulat ka naman nang may marinig kang parang nahulog na bagay. Pag lingon mo, si Jaemin pala ay nahulog ang kanyang cellphone. "tsk tsk, kawawa naman bagong iPhone ko" sabi niyang ingat na ingat sa cellphone. Tinitigan mo lang siya at maya maya tumingin na rin siya sa iyong direksyon. "hi, sorry didn't mean to startle you" Binigyan mo siya ng bread smile at umupo ka sa stool niyo para sa counter top. "Bat ka pa gising, sabi ng kuya mo chinat mo siya at patulog ka na" Sinabi niya habang binubuksan ang Ref niyo. "Uh napanood kasi ako ng netflix, di ko na namalayan yung oras" Nilapag ni Jaemin ang hawak niyang juice sa counter at natawa. Para naman tong tanga biglang natawa manyak ata to. "Astig, ganyan din kasi nangyari ngayon sakin kaya ako lumabas para uminom at matulog pagkatapos" Kaya pala tumawa to. "Ano naman ang iyong pinapanood kaya inabot ka ng ganitong oras? Maganda ata, irecommend mo naman sakin." Nag brighten up yung face mo dahil nag eenjoy kang mag recommend ng mga napapanood mo sa Netflix na series. "I was watching Alice in Borderland, masadyo ako nageenjoy kaya malapit ko na matapos" "Uy, I was watching that too, too bad naunahan na kita tapos na ko" he said flexxing. Kaya nagchikahan kayo about AIB.
When your topic changed up by him asking something. "I heard na you took medtech?" He mentioned making your head nod. "Why so? Ang hirap no' " You laughed dahil napa-agree ka sa sinabi niya. "it is! Pero I found medtech interesting kasi eh, I mean nung bata pa ako like getting to help people, like ansaya na malaman na I am studying hard and will become a future doctor to help out people, so kahit mahirap kinakaya naman dahil may motivation." He really liked your answer. Dahil he found it cute na it was something na you wanted bata palang. "What about you ba kuya? ano kinuha mo nung college days?" You asked. "Same lang naman din sayo, kasi gusto ko rin makatulong sa mga tao kaya naging passion ko ito." You liked how you have similarities. You both had a small talk at maya maya pumunta na rin sa mga kwarto para matulog. You enjoyed having a talk with Jaemin kasi wala talaga kayong interaksyon, kaya getting to have it makes you find out your similarities. And you are looking forward for this to happen more. So did Jaemin, na enjoy niya. Dahil matagal ka na niya talaga gusto makausap, kaso alam niyang di pwede. Dahil may alam ang kuya mo at siya, na hindi mo pa alam.