Sobrang babaw lang talaga ng luha ko. Yung isa kong close friend nag-post siya sa wall ko. Dati kasi, super duper close kami ng mga kaibigan ko. As in, araw araw kami magkakasama. Hindi kami nagsasawaan sa pagmumukha. Yung kahit araw araw na kami nagkikita sa school, araw araw pa rin kami magkakatext, at tumatambay sa bahay nila. Nung nag-3rd year na kami, kampante pa rin kami, na walang makakapigil sa friendship naming lima. (2 girls, 3 boys) Nung una, okay pa naman. Kahit may mga tampuhan. Sympre hindi naman nawawala yun sa barkada di'ba? Dumating yung point na nadagdagan kami, so 2 girls and 4 boys na. Akala namin strong kami, hanggang sa dumating yung isang simpleng di pagkaka-unawan na dumating sa di pag papansinan. Imagine, napaka-simple misunderstanding lang yun, pero pinairal namin mga pride namin. Kaya ayun. Nung nag-second sem, hindi na kami katulad ng dati. Well, ganun naman talaga di'ba? People change. Pero masaya pa rin naman kasi kahit hindi na ganun ka-tight yung friendship namin we still care, love and communicate with each others. Rarely nga lang. Nagpapansinan, kukulitan, at nagkukwentuhan pa naman kami, pero hindi magtatangging nagkaroon na ng lamat yung friendship.