Handog Namin
Handog namin sa Iyo, Ama, ang tinapay at alak na ito Handog ng bayang umaasa, sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo
Nawa’y dalhin ng ‘Yong anghel ang aming panalangin sa ‘Yong dambana Katulad ng halimuyak ng insensong umaakyat sa kalangitan
Handog namin sa Iyo, Ama, ang tinapay at alak na ito Handog ng bayang umaasa, sumasamba’t nagmamahal sa ‘Yo
Nawa’y ang aming kaloob maging si Hesukristong aming Panginoon Ang sinumang tumanggap at makisalo ay mabubuhay kailanpaman