muni-muni.
Ang kaisipan ay konsepto, ideya o pananaw na maaari rin masabing produkto ng pag iisip. Nakakbuo tayo ng kaisipan kahit sa munting pagsuri ng mga bagay bagay. Ito ay nagpapahayag pananaw ng isang tao ukol sa iba't ibang bagay. Iba iba ang kaisipan ng mga tao, lahat nito ay walang katulad. Ito ay nagkakaiba depende sa prinsipyo o paniniwala ng tao na nabubuo mula sa kanilang karakter na bumubuo ng kanilang pagkatao.
Bilang tao, di natin maiiwasan ang magisip. Madalas, ako’y nagmumuni-muni, kahit sa simpleng kilos at galaw ko sa aking paligid, ito ay aking pinagiisipan. May mga mabuti rin naman naidudulot ang pagiisip dahil sinusuri nito ang mga sitwasyon sa buhay natin. Ngunit, mahirap rin ang maging pala-isip dahil hindi mo nagagawa agad ang nais mong gawin. Ang mga hangarin mo sa buhay ay nahahadlang ng negatibong kaisipan. Ang karaniwang gawain ang nagiging mabigat na dahil ito’y pinagiisipan mo pa ng lubos. Ang ating kaisipan ay malawak, ngunit sa sobrang lawak, kung anu-ano na ang ating naiisip. Napapadalas na pinapangunahan ang mga bagay bagay kahit di pa nangyayari. Natatabunan ng negatibong pagiisip ang mga posibleng positibong pangyayari.
Walang pisikal na lunas para sa negatibong pagiisip. Sa aking personal na karanasan, ang tanging makakapagbago lamang sa atin ay ang pagdesisyon na baguhin ang sariling pagiisip. Nararapat lang na di natin hayaan ang sarili na malunod sa negatibong pagiisip. Ang isa ko pang natutunan ay kailangan natin ilabas ang sama ng loob sa paraang komportable tayo, tulad ng akin ay mas gugustuhin kong iiyak na lamang ang problema ko sa isang taong makakaintindi upang ako’y maging maayos muli.
Ngunit, personal na opinyon ko lamang iyan. Iba iba parin tayong lahat at nais kong malaman niyo responsibilidad natin ang sarili natin, walang ibang taong makakapag bago sa atin dahil nasa atin ang desisyon na iyon. Ang pagbabago ng isip ay hindi madali at kayang umabot sa mahabang panahon bago natin ito malalampasan ngunit. Mas okay na ang mabagal na pagunlad keysa walang pagunlad.










