Kasama kang tumanda.
Ang sarap siguro sa pakiramdam na balang araw habang magkatabi kayo ng mahal mo maiisip nyo nalang yung mga bagay na ginawa nyo, mga bagay na pilit kayong pinaghiwalay, mga problemang nalagpasan nyo, yung mga ginawa nyo para sa isa't isa at mga sakripisyo nyo. Habang magkahawak kayo ng kamay at nakatingin sa mata ng isa't isa, ngingiti nalang kayo dahil kinaya nyo at umabot kayo ng ganun katagal, maiisip nyo yung mga nakakakilig na bagay na ginawa nyo tapos tatawanan nyo na lang yun at yung pagibig nyo para sa isa't isa na hindi natinag sa pagdaan ng panahon sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa relasyon nyo at siguro sa panahon na yun masasabi nyo na napatunayan nyo na yung salitang "forever".

















