Minsan kailangan mong pakawalan yung mga tao na mahalaga sa’yo, lalo na kung alam mong pareho kayong mahihirapan. Minsan kailangan mong iwan yung taong mahal mo, para maagapan yung sakit na mararamdaman niyo. Minsan kailangan mong piliin na lumayo, kesa naman mahirapan kayo dahil sa kondisyon niyo. Minsan kailangan niyo silang saktan, kesa makita silang matagal na magmove on. Minsan kailangan niyong tanggapin na kahit mahal niyo pa ang isa’t isa, may mga bagay na hindi niyo dapat na ipilit pa..















