Para sa iyo madali lang bang maging mabuting tao? Iyong may moral at hindi dapat nakakasakit ng kapwa? Madali ka din bang makisama sa kanila lalo na sa mga hindi mo pa masyadong kilala?
Sa totoo lang mahirap maging totoong tao. Nandiyan iyong mabait ka pero inaabuso naman ng iba, ayaw naman nila sa iyo kung masungit ka. Ano ba talaga? Paano ba dapat tayo kumilos sa harap ng madaming tao? Lahat naman ng tao mababait. Iyon nga lang hindi nila masyadong pinapakita, may ganun? Oo, lahat ng mga bagay may rason at para sa iba ay ito ang magsi – silbing sandata nila laban sa ibang tao. Sa paanong paraan? Kasi ganito iyan; Una, hindi ka nila mauuto at maaabuso kapag pinapalabas mu na masungit ka, Pangalawa, iisipin nila na malakas ka at paniguradong maiintimidate na sila sa iyo.
May mga tipo naman ng mga tao na pinapakita nila na mahina sila pero ang totoo eh mas matalino at mas magaling pa pala sila kaysa sa iyo. Sila iyong mga tipo ng tao na humble at minsan ay mga nanlilinlalng ng kapwa para sa ikabubuti nila.
Pero ano bang meron sa pakikisama? Naniniwala ako na lahat ng tao ay may suot na maskara sa tuwing may kaharap silang ibang tao at iba’t – ibang maskara ito dahil na rin sa iba’t – ibang uri ng tao na ating nakakasalamuha araw –araw. Okay lang naman siguro ito basta wala tayong nasasaktan na ibang tao. Pero sa nakikita ko ngayon ay iba na, may mga tao na plastic kung tawagin ng ibang tao dahil na rin sa ugali nilang napakabait pag-kaharap sa iyo pero may galit pala siya sa iyo, kaya pag - talikod eh kung ano – anong mga pangit na salita ang sinasabi tungkol sa iyo matatawag na ding backstabber iyon. Meron naman iyong mga taong magtataka ka dahil napakabait nila sa iyo, iyon pala ay may kailangan sila sa iyo. May mga feeling close din pero ito siguro ay matatawag na ding pakikisama dahil gumagawa sila ng paraan para makasalamuha ka at makilala ng lubusan.
Kahit anong uri man ng tao ang makasalamuha at makilala natin araw – araw nandyan ang mahinhin, mabait, suplada at suplado, masungit, snob o hindi namamansin, joker, palatawa, seryoso, mayabang, mayaman, mahirap, maganda, gwapo, pangit at iba pa dapat pa rin natin silang itrato ng pantay – pantay at hindi dahil kung ano ang estado nila sa lipunan. Dapat may respeto tayo at pag – galang sa isa’t isa para masaya.