Ilan pang buhay ang dapat na masawi?
Ilan pang mga pamilya ang iiyak?
Ilang puso pa ang mabibiyak?
Para saan?
Sa isang bintang.
Sa isang bintang na mananatiling bintang.
Isang paghihinalang kumikitil sa madla,
at para pang sakit na kumakalat.
Sa ideya pa lamang nito hindi ko masikmura
na marami ang naniniwalang epektibo ito.
“Mapapalaganap nito ang kapayapaan!”, sabi nila.
“Para mapuksa ang masama!”, sabi nila.
Ngunit kung mapayapa nga ito–
kung makabubuti nga ito sa ating lahat,
Bakit may nananaig na takot sa dibdib?
Bakit tila hindi naman ramdam
ang kapayapaan, o ang kabutihan?
Ano pa nga ba ang tama at mali?
Ano pa nga ba ang masama at mabuti
kung ang tama ay mali
at ang mali ay tama?
Ano pa nga ba ang katotohanan
kung sa pagduro ng daliri,
pagsigaw ng kasinungalingan at
pag-uto sa sarili na nasa isang karton—
na pinaglilimbagan ng paratang
gamit ang tintang sing itim ng budhi—
ang dapat na paniwalaan?
Ano pa nga ba ang pag-asa?
Mayroon pa ba?
Pagkat kung ang batas na ay ang bala,
silbi ng bawat buhay ay wala na.
“Mangyayari ba ‘yan sa akin, paki ko ba?”
Basta’t may magbibintang at mauuto,
My experience was not so fun. I wasn’t able to fulfill what I initially planned: start at the municipal hall and go around the town. I rode a jeepney and I had to take several deep breaths before actually doing it. After a single walk along Lopez Ave., I stopped and had to put the sign back to my bag.
I was in a state of panic (and maybe because of that, my sweat drenched and my skin didn't cooperate and it itched af). I thought I was brave enough. I feel ashamed instead of accomplished for backing out 15mins later just because my anxiety kicked in and I couldn’t fight it even if I read Po-on while walking.
But I got the attention, alright.
Through parallel vision, I saw this one guy who actually tried to see what’s on my sign. Several others would stop their chattering as they passed by me. A guard from my former school even joked, “Dapat pala pinicturan kita!” and told my friends that I did protest.
That 15-minute walk was surely unforgettable. I hope I could do it again, but surely not alone, or I might just breakdown in the middle of it.
I also hope many others would participate. I hope many teenagers like me do it better than I did.
Padayon lang, mga kapatid! Walang mithiing mananatiling imposible kung kikilos ang marami!