I was scrolling through TikTok after a very long day in law school, practically begging sleep to visit me, when I came across this trend where you upload a random favorite photo from your gallery and let TikTok choose a song for it. The first photo that came to mind was my last post of us, celebrating our 5th anniversary. So I uploaded it, then one of my favorite songs lately plays:
PINIPILI BY MATÉO
Pinipili kita Makasama sa pagtanda
Nakakagulat man, pero oo, kahit apat na taon na, pinipili pa rin kita sa araw-araw. Oo, wala nang ikaw. Kaya marahil pagkakasyahin ko na lang ang mga natandaan ko tungkol sa atin, tungkol sa’yo, hanggang sa pagtanda ko.
Araw-araw walang iba Sa piling mo payapa na
Malungkot, masaya, galit, takot, nalilito, wala ng iba, sa piling mo pa rin talaga ang payapang hinahanap, kaya siguro simula no'ng nawalan ng tayo, mas naging nakakapagod ang mundo.
Pinipili kita Malagas man ang huling hibla
Sa bawat hibla ng pahina ng librong hahawakan, hanggang sa huling hibla ng aking buhok, pipiliin kita sa kadulo-duluhan, sa kahuli-hulihan, kahit alam kong ako na lang 'tong natirira; kahit mga kasalanan kong pinagbabayaran kasama pa sa memorya.
At kung ang alaala'y mabubura Panata kong hanapin ka
Panata kong mabura ka. Binigyan ko ng anim na taon sarili ko kalakip no'n ang panahong tayo. Pero magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na ako makapaghintay na tuluyan kang makalimutan. Dahil ang totoo, kinatatakutan ko ang bilang na ’to, na para bang taning sa buhay ko.
Pinipili kita Na walang pangangamba
Pangangamba lang na tuluyuan ko nang matanggap na kahit araw-araw pa kitang piliin, ako na lang. Pangangamba na kahit sa kabilang mundo, ‘di mo pa rin ako mapatawad.
Aking ipadarama Hanggang sa'king huling paghinga
Kita ko na nga, na 'to ang kabayaran sa lahat. Huli na. Na hindi masakit na para ka na sa iba, na mas masakit pala ang gumalaw sa mundo na ang bersyon kong ikaw, wala na talaga.













