Kami'y may detergent,
Pride ang pangalan.
Araw-araw, maya't maya,
Aba'y laging gamit, walang palya.
Ako'y napuno, ayun, nasagot ko. Hahahah! Boom na boom! No regrets, though. I would gladly leave this house if I could.
Anyways, hindi naman nya talaga maiintindihan kung ano yung nakikita kong mali. Napakataas ng tingin nya sa sarili nya. Isa sya sa mga taong sarado mag-isip pero self-proclaimed na open-minded "daw". Sya ang nuknukan ng ka-plastikan na kilala ko. Ang tanging nakikita lang nya ay superficial things. Ang most dominant nature nya ay mang-judge ng tao. At, ang galing galing umimik, wala namang alam sa mga totoong nangyayari. At isa pa, ang galing nyang makakita sa ibang tao, hindi muna nya matingnan ang sarili nya (or, tumitingin naman nga nya sa sarili nya pero hindi nya ma-realize yung flaws nya).
I'm not saying na perfect ako at wala akong kasalanan dito. I know na ma-pride akong tao. I know na hindi ako nakikipag-communicate nang maayos (pero god, why would I, I think I gotta make a separate post on this). I know that I don't give a damn. At least, I KNOW kung ano ang pagkukulang ko, eh sya, hindi nya makikita yung sa kanya EVER. Kasi, ang nasa isip nya eh lagi dapat yung mga subordinates nya ay dapat ayon lahat sa pag-iisip at pag-uugali nya. Hindi nya alam kung ano yung "individuality". Ang laging nasa isip nya ay laging sya lang tama.
Buti yung mga kapatid ko eh mga jolly na tao, eh ako ay hindi. I'm thoughtful (hindi yung mabait na thoughtful kundi yung plain na mapag-isip) and reflective. Hindi ako masyadong umiimik but all I could just ever think of is why am I stuck with this kind of person.