Marami rami narin ang nanakawan ng buhay dahil sa adbokasiyang ito, pero lahat ng iyon ay biktima lamang ng napakalaking problema ng lipunan. DROGA. Walang magddroga kung walang gumagawa ng droga. Walang makakagawa ng droga kung walang nagpopondo. At sino nga ba ang nagpopondo? Ang mga malalaking tao sa labas ng bansa at marahil malalaking tao sa loob ng bansa. Pero bakit ang mahihirap na pusher at user lamang ang nakikitang humahandusay at wala ng buhay araw araw? Pilit silang inuubos. Pero sasabihin ko na ito mismo na hindi sila mauubos. Maging bukas sana ang isip ng mga tao na hindi sila ang problema sa lipunan, na ang tunay na kanser ng lipunan ay mga taong halang ang kaluluwa at walang konsensya na patuloy na nagpapalaganap ng paggamit ng droga sa buong mundo kapalit ng pera. Hindi matatapos ang pagpatay sa mahihirap na pusher at user dahil may uusbong at uusbong na bago. Hindi ang mga dahon at sanga ang dapat putulin kundi ang ugat nito. Kahit bawian pa ng buhay ang lahat ng taong mapaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng droga hindi matatapos ang laban na ito. Laban na marami na ang naisakripisyo pero ni katiting ay walang magandang resulta. MALING SISTEMA LABAN SA MALING SISTEMA = BULOK AT WALANG HUSTISYA