ANG AKING YAMAN Ni: Reiner D. Labian
Sa tahanan ko’y init ang nadarama, Pagmamahal nila’y tunay na biyaya, Sa hirap at ginhawa’y sila’y kasama, Kayamanang wagas na di mawawala.
Sa aking kabataan sila’y gumabay, Ang bawat hakbang ko’y kanilang tinunghay, Ngunit sa paglipas ng taon at edad, Pag-aruga ko’y sa inyo ilaladlad.
Darating ang panahong kayo'y hihina, Kailangan ang aruga at ginhawa, Sa piling ng aking magulang ay tanaw, Ako’y magbabantay sa gabi at araw.
Sa oras ng dusa, ako’y naroroon, Hahaplusin sila sa tuwing may pagod, Pangako ko’y hinding-hindi maglalaho, Pag-aaruga’y dalisay at totoo.
Pamilya ang aking yaman at pag-asa, Sa hirap at ginhawa, sila’y kasama, Pagmamahal ko sa kanila ay wagas, Pagmamahal ko, iaalay hanggang wakas.











