Putobumbong
Nang gabing iyon ako'y sumugal.
Sa mga damdamin, kasiyahang pagal.
Isinuko ang aking baga.
Ilang minuto man lamang mailaga
At nang iyong puso'y mapalambot
Sa maikling oras ako'y makikiamot.
Sa pagtingin ko ika'y aking mabalot.
At lihim na pag-ibig ay maipaabot.
Sa mga saglit na diskusyon
Nabubuo ang aking ilusyon
Na baka maging interesante
Mangungumbinsing tila negosyante.
Ipipilit ibenta ang kaisipan
Gayong iisa ang nais patunguhan
Puno't dulo'y Pag-ibig sa Bayan.
Ah ewan. Bait yata ako'y tinakasan
Nahumaling sa iyong katalinuhan
Sa mga peministang banatan.
At pagsuka sa mga pasista,
Sa mga gawing kapitalista.
At sa iyong romantisismo sa musika







