Rant #67: Pakiramdam ko nawawalan ng meaning ang love dahil sa mga blogger dito na parang ni minsan hindi narinig ang salitang “infatuation”. Nakakainis kasing mabasa yung mga post na in love daw sila kay ganito ganyan, tapos pag tinanong mo kung gano katagal nang sila, wala pang isang buwan. Pag tinanong mo naman kung gano katagal na silang magkakilala, wala pang tatlong buwan. Ginagago niyo ba ko? Tapos pag may sumita sa love nila na naka-fast lane, sasabihing wala kang pakialam kasi feelings nila yun. Tas walang alam na oras ang pag-ibig. Aba. Kaya nga may pinagkaiba ang love at infatuation e. Ang love, hindi yun biglang naglandian lang kayo, anjan na. Please lang, pinapababa niyo ang meaning ng love.
Love takes time to grow. Yan ang pinakamalaking pinagkaiba nun sa infatuation. Alam niyo, infatuated lang kayo. Wag niyo kong niloloko sa mga love-love niyo na wala pang two months. Wag din kayong atat sabihing mahal niyo ang isang tao. Sorry not sorry.