Enjoying the Task with Pain
My favorite topic so far. (Magtatagalog na ako para INTENSE!)
Mula nung unang araw ng “Holistic Discipleship” course ay tinatalakay na naten ang dakilang atas ng Panginoon na gumawa ng mga taga sunod Niya at sa aking tingin, sapat ang mga aralin at pag papaliwanag para aking maintindihan na higit sa kung ano pa man, ang nais ng Diyos sa akin ay ipamalita ang Kanyang salita. Hindi ito pakiusap ng Panginoon sa akin bagkus ako ay pinili Niya upang maging tagapamalita ng Kanyang pagmamahal sa papamigtan ni Kristo Hesus. Sa bawat araw ng pag aaral ng course na ito mas lalo nagiging buo ang aking kagustuhan na abutin pa ng mas maraming tao upang makakilala sa Panginoon. Tunay nga kapag binababad mo ang iyong panahon sa mga bagay na mas makakapag dadag sa espiritwal na pagka tuto, mas nagiging malakas ang iyong loob para magawa ang mga bagay na hinihingi sa atin ng Panginoon.
(Wooooh! Lakas maka”metodistang” tagalog!! **epistaxis**)
Sa lahat ng mga naging aralin, isa ito sa may pinaka may mahalagang refleksyon akong natutunan at sobrang malaking bagay ito sa akin. Stress. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinabe na “stressed” ako at hindi naman talaga maiiwasan, lalo sa field ng trabaho na meron ako. Sa araw araw na pag harap ko sa mga pasyente na nakakaranas din ng kasalukuyang stress situation, maliwanag sa akin na hindi lang ako ang nakakaramdam ng stress. Normal na nangyayare ito. Sa kabilang banda, ang burnout ay bunga ng patong patong o naipon na stress depende sa “threshold” o kakayanan ng tao na maghandle nito. Ito ay extreme o sagad na stress na maihahalintulad sa depression. Sa medical field, may batayan ang mga doktor upang maidiagnose na depressed ang isang pasyente. Katulad ng hindi maayos na pagtulog, hindi makakaen na nag dudulot ng pagpayat, iritable, hindi makapag focus, hindi pakikihalubilo, umiiyak ng walang sapat na dahilan at marami pang iba. Ang mga nabanggit na sintomas ang nagiging batayan ng mga doktor upang malaman kung ang isang pasyente ay depressed at nangangailangan sapat ng medical management kaya kailanman ang depression o burnout ay hindi normal at nangangailangan ito ng atensyon.
Gaya nga ng sabe sa libro ni Harold Sala, ang taong naghihingalo sa ospital at nakakabit na makina ay madaling makuha ang atensyon sa panahon na tumigil tumibok ang kanyang puso dahil sa mga alarm, pero kapag emotions mo ang nag flatline bihirang may makapansin ganon pa man gusto ko alalahanin sa topic na ito na bago pa man gawin ng Diyos ang napaka lawak na kalawakan, alam na Niya ang nakakapagstress sa buhay ko.
Minsan ko ng naibahagi sa church sa pamamagitan ng testimony na bukod sa pagiging nurse ay minsan din ako ay naging pasyente. Last year after series of counselling, I was diagnosed depressed at kailangan ko uminom ng antidepressants para hindi maka hadlang sa mga pangaraw araw na gawain ko ang ilang sintomas ng depresyon lalo yung hirap sa pagtulog. Madaming mahirap na circumstances at paulit ulit na stress akong naranasan na umabot sa sa aking emotional limit at ito ang isa sa pinaka malungkot na pangyayari sa akin, dahil bilang isang nurse at lalo higit bilang Kristyano, hindi ko kailan man naisip na darating sa punto na kailangan ko uminom ng gamot dahil sa aking paniniwala na ang depression ay nagpapakita ng kahinaan ng pananampalataya sa Panginoon. Earlier this year, nung una kong mabasa ang librong ito at natutunan ko na hindi totoo yon. Hindi totoo na hindi dapat nasistress ang mga Kristiano at lalong hindi totoo na ang mga nasestress at hindi spiritual. Sa katunayan nabangit na ang mga naniniwala sa Diyos ay mas nakakaranas ng stress at maraming tao sa Biblia ang makaakapagpatunay nito. Ang buhay Kristiano ay hindi kaylanman komportable, maraming stress at problema, and only if we allow stress to hinder us to accomplish our task, doon tayo nagiging talo.
OUR BEHAVIOUR: ENJOY THEM
Ngayon na maliwanag na sa atin na ang stress ay hindi na maiiwasan, what do we do? Dito na pumapasok ang pinaka mahalagang parte ng topic. Paano nga ba dapat tumugon ang isang Kristiano sa mga stress? Ilan sa mga nakakalungkot na nagiging madalas na response ng tao sa stress ay mag unwind at maghanap ng kasiyahan sa mga activities tulad ng spa, vacation at iba pang superficial na bagay makakapagbigay ng panandaliang saya. Hindi ito masama pero wala din ito masyadong eternal gain. Ubos pera pa. Personally, sa panahon na sinusubok ng Diyos ang aking emotion, it took awhile bago ko nalaman ang tunay na magaalis ng lungkot at stress ko, tulad ng iba gumawa ako ng mga bagay na akala ko makakapagpasaya sa akin tulad nagbasa ako ng maraming libro na walang kabagay bagay, nanood ako ng mga television series mula umaga hanggang gabi at marami pang ubos panahon na gawain pero at the end of the day, hindi pa din ako masaya. Yung 30 mins na panahon na inilaan ko sa worship hour ay di hamak na higit sa approximately 10 hours na naubos ko sa isang season ng isang television series na pag katapos hindi pa ako masaya. Hindi ako naging productive at naging hadlang ito sa paglilingkod ko sa Panginoon.
Tunay nga na dapat matutunan ng isang Kristiano ang tamang response sa panahong ito. We really have to enjoy the suffering for suffering prepares us for greater joy and TRUE joy only comes from the Lord. Only Jesus satifies. Natutunan ko na kunin ang perspective ng Diyos. LAHAT ng ito ay kasama sa Kanyang magandang plano kaya walang pangyayare sa buhay ng tao na “serendipity” dahil in Him were also chosen, having been predestined according to the plan of Him who works out everything in conformity with the purpose of His will. Ephesians 1:11 so kesa mag dwell ng matagal sa pain, tumingin sa Panginoon at tignan ang bawat pangyayare bilang pagpapalakas sa atin.
For I reckon that suffering of this present time are not worthy to be compared with the glory which shall be revealed in us.
(With BS classmates! Here’s a photo of one of many after class physical fueling. Credits to Ian.)