Ilang araw ko na rin nilu-look forward ang Gold Rising sa Trinoma kaya naman noong Linggo eh kahit na ako oa mag-isa ang pumunta dun eh OK lang sakin. Wahahaha kasi nga….. Well, paulit-ulit na ko sa mga sinasabi ko so di ko na sasabihing pumunta lang ako dun para kay Rhadson.. Bwahahahaha makulit ako, masanay na kayo. :))
So anyway, saglit lang kami dun. Nakaladkad ko pa nga ang kuya ko sa loob kasi nung nandun na ko eh bigla akong kinabahan. Hehe ako lang mag-isa tapos first time ko rin pumunta sa ganung event. Nakakatawa nga eh. Sila Vice Ganda at Toni Gonzaga na nas harap ko na noon sa Glorietta eh di ko pa pinansin pero etong si Rhadson pinilahan ko pa! Kalurki! Well, sa libro ako nagmula so sa libro din ako babagsak bandang huli. Haha or in this case, post card.
Buti na lang at mahaba man ang pila, mabilis naman din sya umusad. Nagmamadali ata si Kuya guard kasi may nagpapa-sign pa kay Rhadson eh pinapa-punta na ko sa gitna! Owemgeeee eh di ko naman kilala mga nandun nu. Wahaha harsh! Pumunta ako dun for one purpose only.
Soooo… Para kay idol Rhadson, thank you sa mga….. 10 seconds na pag-entertain sakin. Haha sino ba si Lilith?? Yun pa kasi ang name na ibibigay nya skin na post card. Harhar! So cute! Mabait sya, pala-ngiti….. Cute na rin. Mahilig ako sa mga may salamin eh.. Mapa- boy or mapa- girl. At salamat sa pagtigil panandalian sa pagsign para mag-pose sa camera ko noong kinukuhanan ako ni Kuya habang nagsisign ka. Akala ko kasi di ka magpopose so hindi na kita iniistorbo. Pagtingin ko sa pictures ko eh OMGEEEEEEE!!! Wahahaha nakangiti rin sya sa camera!!!! Sheeeet ang babaeng mababaw sobra ang kaligayahan!!! :))
Thank you rin kay kuya na kumuha ng pictures namin. Sa pag-pila kasama ko na kahit na pinagtatawanan ako kasi ang baduy ko daw na kung kelan tumanda na ko eh saka pa ko nagpupunta sa mga ganun ganun……… Wahaha thank you na rin kahit nakakainis. At least napakinabangan ang serbisyo. :))
So ayun. Eto ang mga na-salvage ko sa 10 minutes ko dun sa Gold Rising. Haha pagkatapos na pagkatapos kasi eh umalis na kami. Ngayon ko lang narealize na sana nagpa sign na rin ako kay Marcelo Santos kahit na di ko sya kilala. Hehe kasi nakikita ko yung posts nya eh. Mukhang maganda naman. Pareho lang ata sila ng genre ni Rhadson. Anyway, sa uulitin!