Sekiraka, kampeyon sa nakaraang fiesta basketball league
Itinanghal bilang kampeyon ang Sekiraka Island Born (a.k.a. Tiger Five) sa nakaraang basketball league na iginanap sa Peñaplata, Island Garden City of Samal noong Disyembre 18, 2016. Ang nasabing liga ay isa sa mga events ng barangay para sa Feast of Immaculate Concepcion noong Disyembre 8.
Dikit ang laban hanggang 4th quarter, ngunit matagumpay na nakahabol ang Sekiraka sa malayong lamang ng Team Adecor. Mas tumindi pa ang init ng laro nang muntik nang magkasuntukan ang star player ng Sekiraka na si R-R at isang player ng kabilang team.
Iniuwi ni R-R ang MVP award, habang si Neilbert naman ang pinarangalan bilang Best Player.
Matapos ang kampeyonato ay dumiretso ang team kina Poldo upang ipagdiwang ang panalo ng kupunan.
[Photo (L-R): Samboy, Okin, Rentoy “Loki”, Paul, Mr. Jong Cor, R-R, Neilbert (below), Dowell, Padot, Sherwin “Chuy”, Nad2x, and Nog2x | Photo from Mr. Jong Cor]
Nais pasalamatan ng Sekiraka ang kanilang imports na sila Dowell, Padot, Nad2x, Nog2x, at Pawix (not in photo). Miss din nila si Bem2x, na di rin nakasipot sa laro.













