Hindi ko na maalala paano humantong sa salitang bakit, O kung ilang beses ko na bang ipinaulit-ulit Yung huling salita na pinilit mong isinambit Na tagos hanggang buto ang sakit. Ilang beses kong inisip, Yung mga nabasa sa huling inilakip Kung saan aking puso'y patuloy na idinarakip Ngunit kamangmangan lamang sa halip. Isiniksik ko pa din sa puso ko sa tulong ng kape At ipinaglalaban ko pa rin gabi- gabi Para lang hindi ko makalimutan iyong huling sinabi Kahit na ngayon sa aki'y wala ka nang pake. Ito ba talaga, Mahal ay wala nang wakas, Dahil wala na akong lakas Na parang hindi aabutan ng bukas, dahil lang ayaw mong mag-iwan ng bakas. Paano pa nga ba mabuhay, Sapagkat ako ay iyo nang inutay-utay, Kung ngayon pala'y wala nang kulay Teka, ganun na lang ba talaga ang lagay? —————————————— March 6, 2017














