Kape. Simple lang ngunit nakakapagbigay lakas. Lagi mo akong ipinagtitimpla ng kape tuwing umaga, bago pumasok, at kapag umaalis tayo o may lakad. Binibigyan mo ako ng lakas at sa init nito ay naipadarama mo ang iyong pagmamahal. Gusto ko lang sabihin at magpasalamat sa araw-araw mong pagpaparamdam na mahal mo ako-- Kape.














