Kasi naman, bakit pa kelangang patulugin yung kapatid ko sa kwarto nila?!?! Eh ang dapat naman e sa kwarto NAMIN?! Anak ng itlog bwisit! Tapos tatanungin ko kung bakit, langyang sagot ni ermat: "di ko alam sa papa mo"..... gusto magMURAAAAAAAAAAA!!!! bwisit! <--- nagmura nako. Bwisit nang sobra. Gusto kong i-upgrade mura ko pero pigil pigil.
Bwisit, kahapon or kagabi din kasi sa sa kwarto nila natulog kapatid ko, okay lang naman. Pero bwisit, ngayon!? Lintek, wala tuloy akong mautusan. Hays, pero de, kasi naman dapat dito matulog kapatid ko eh. Na-try ko na kasing matulog sa kanila, pinakamasalimuot na parusa yun. Bwisit, yung halos ayokong kumilos sa pwesto ko. Kasi anjan sila. Eh kung sa sariling kwarto namin, edi may freedom kami. Di naman din kasi sa lahat ng oras bantay sarado or dapat maging stricto mga magulang sa mga anak eh. Sinasakal nila mga anak nila mashado, sobra pa nga eh. Kasi kung magiging stricto magulang sa mga anak nila, gumagawa sila ng rebeldeng anak. Minsan kasi or madalas ganun. Bwisit.