tambal: sungho x reader
buod: "Kay saya 'pag uuwi ako, Ikaw lang at ako"
tala ng manunulat: delusions ng commuter in the form of an au. (lowercase talaga)
"anong oras uwi mo?"
mga salitang hindi mo inaasahang mag-uudyok sa'yo ng matinding damdamin. marahil dahil ito sa taong nagtatanong nito at hindi talaga ang mga salita ang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso mo at pamumula ng iyong mga pisngi.
talaga naman. kahit gaano katindi ang pagpapahirap at pagod ang ibinigay sa'yo ng araw mo, sa pagtatapos ng araw ay alam mong may naghihintay na presensyang makakasama mo hanggang sa maka-uwi ka ng ligtas at komportable sa iyong tahanan. at ang lahat ng pagod mo'y tila ay parang sulat lapis lamang sa dali at bilis ng pagbura niya nito.
'di bale na kung siksikan sa jeep, handa siyang sumabit na lamang maka-upo ka lang ng kumportable dahil mahaba-haba pa ang biyahe niyo papunta ng estasyon. 'di bale na kung mahaba ang pila ng bilihan ng tiket, isusuot niya ang isa sa ulo ng kanyang earphones at patutugtugin ang mga paborito mong kanta upang hindi ka mainip sa paghihintay na lumipas ang oras. 'di bale na kung mahaba ang pila ng sakayan, "bili muna tayo ng pagkain?"
at kahit na siksikan pa, lalapit at bubulong sa tenga mo, "malapit na tayo bumaba." pagkatapos ay aabutin ang iyong kamay, para hindi kayo magkahiwalay 'pag nagdagsaan na ang mga taong kasabay ninyo palabas.
sa isang saglit. tayo ang langit.
sinong nagsabing nakakapagod at mahirap ang mag-commute? bakit parang ito pa ata ang paboritong mong parte ng araw mo? ang traffic. ang usok. ang siksikan. ang mainit na ulo ng ticket clerk. hindi na napapansin. para bang walang ibang tao.
ikaw lang at ako.
pagdating sa tahanan, isang mahigpit na yakap at halik sa noo. at tuluyan ng natunaw sa piling niya.