Nakita ko naman na ang lahat ng posibilidad
Sadyang 'di ko lang mapalampas ang ibigin ka
Manabik sa eksena ng ako at ikaw
At malaman hanggang saan dadalhin ng pagsinta
.
Kaya't tinawid ko ang linya ng pagkakaibigan
Tumugon sa halik na ngiti ay malawak
Puno man ng takot ay humawak sa'yong kamay
Sinagot ang pag ibig at pumikit sa tadhana
.
Tinalon ko ng buong tapang lahat ng pagdududa
Nagtiwalang sasaluhin ng pag ibig na sapat
Handang lagpasan lahat ng haharang
Basta't tayo sa dulo at ikaw ang hantungan
.













