Pangarap ko ang pag ibig na payapa
Panatag kahit sa gitna ng katahimikan
Mahinahon ang pag ibig na binibigkas
Pipiliin ako sa araw-araw

seen from United Kingdom

seen from Germany
seen from China
seen from China
seen from Ukraine

seen from Malaysia

seen from United States
seen from China
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States
seen from Germany

seen from United States
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from China
seen from United States

seen from China
seen from United States

seen from Switzerland
Pangarap ko ang pag ibig na payapa
Panatag kahit sa gitna ng katahimikan
Mahinahon ang pag ibig na binibigkas
Pipiliin ako sa araw-araw
Bahaghari
Isang malalim na buntong-hininga Kasabay ng pagmulat ng mga mata Tanong sa sarili'y "Kaya mo pa ba? Tsaka ngingisi at sa taas ay titingala
Ngunit ano nga ba ang 'yong hinahanap Isang milagrong pilit hinahagilap May lihim kayang ikinukubli ang mga ulap May hiwaga ba sa asul na alapaap?
Maya't-maya'y mga mata'y kikislap Marahang ngingiti at hahagakhak Isang makulay na bahaghari'y naging sapat Upang mapawi ang lumbay ng aliping tapat
Bahagharing pahiwatig ay pag-asa Para sa mga lingkod na hapung-hapo na S'yang may malakas na pananampalataya Aani ng hindi mabilang na biyaya
~ M.K. Sueño (04/2021)
Pagpawi ng Lipas
O, liwanag ng buwan sa gabing mapanglaw Dinggin mo ang pagtangis ng damdaming ligaw Himnong sa linisa'y dapat pamatid-uhaw Handog ay laksang hapis sa hirap bumitaw O, araw na ang ningas sa dilim pumawi Gawin mong abo ang tanikalang gumapi Sa nag-aalab na balor ng panahong lipas Nang sa kahangalan ay makawalang wagas O, bituing maningning, nawa'y 'wag ipagkait Sa pagal na busabos ang ngiting marikit S'yang lulubag sa diwang kusang linigalig Ng nilalang ganid na sa hibo'y umibig O, ulap na tila ang pasan ay kaybigat Lunurin mo ang dusa ng 'yong luhang maalat Saklaw ang ala-alang alay ay hinagpis Tubusin sa sakim na ang akit ay labis O, mayuming diwata ng hanging banayad Hipan tungo sa hapo ang payapang hangad Dalhin sa paraiso kung sa'n ang nagdaan Ay walang alinlangang pinawi't linisan
~M.K. Sueño (08/2022)
Ulan
Dama ang lamig, wari'y kaydilim ng paligid Sumasabay sa bigat ng damdaming inilingid Ngunit 'di tutulutang ang luha ay pumatak Bagkus hihintayin ang umagang pag-asa ay hatid Subalit 'pag ang araw ay 'di sumikat sa umaga Kapag ang ulan ay 'di tumila kahit hapon na Mabutihing lumikha ng apoy na magbibigay ilaw At magpapainit sa mga sandaling mapapanglaw Nawa'y 'wag malulumbay 'pag 'di tumigil ang ulan At 'pag ang araw ay tumangging dumungaw kinabukasan Dahil kahit tuyong lupa ay kailangang madiligan Malalanta ang mga halaman 'pag laging naaarawan
~M.K. Sueño (06/2021)
kumikindat na bituin
ano ang iyong nais na iparating,
buwan na kay ningning
ang nadarama ba’y magpapatinig
couldn't see the stars with all these bright city lights the honks and cars speeding bury my cries
strangers pass by they're all in a hurry no time to waste everyone's too busy
i refuse to move watching them come and go and i bit my lips and clench my fists
all these bright city lights the honks and cars speeding will soon faint and i will fade
sinasabi na nga ba
itong nadaramay kalokohan lang pala
sana hindi nalang umasa
ng sagayo'y wala ng nasaktan pa
iyong mata ay
kumikinang sa dilim,
yugto'y parating.