Bye for now, ketosis. See you later when I finish that 1kilo regular, non-keto chocolate chips that I bought “by mistake”. 🥲 #taolangako https://www.instagram.com/p/CT1XqvwBAQw/?utm_medium=tumblr
seen from United States
seen from United States

seen from United States
seen from China

seen from United States
seen from Netherlands

seen from Türkiye
seen from United Kingdom
seen from China
seen from Italy

seen from Singapore
seen from China
seen from Austria
seen from United States
seen from Russia
seen from China
seen from Spain
seen from China

seen from United States
seen from United States
Bye for now, ketosis. See you later when I finish that 1kilo regular, non-keto chocolate chips that I bought “by mistake”. 🥲 #taolangako https://www.instagram.com/p/CT1XqvwBAQw/?utm_medium=tumblr
Tao Lang Ako.
Isa lamang akong tao. Tao na humihinga at namumuhay sa mundong ginawa para sa tao. Tao tulad ng iba na nakikita sa paligid ko. Kadalasan may mukha na may matang nakakakita, ilong na nakakaamoy, tengang nakaririnig, bibig na bumubuka, at boses na naririnig. May paa na yumayabag sa mga papag at lupa, may kamay din na gumagalaw bilang tulong sa ibig iparating. May puso rin na tumutulong sa pagdaloy ng dugo sa bawat ugat na tumatakbo sa loob ng katawan ko. May utak rin na nag-iisip sa kung ano dapat ang sunod na galaw at gawin.
Ewan ko. Ito lang naisip ko na gawan ng isang post na ganito. Kasi nga, tao lang ako. Pero balik tayo sa paksa na tinatalakay ko,’yon e, kung nagamay mo nga ang sinasabi ko. Sapat na nga ba ang pisikal na kaanyuan para bigyan-kahulugan ang salitang ‘tao’? Para sa isang tulad ko na may isip, hindi sapat na kung ano lang dapat ang nakikita sa aking katawan ang maging basehan ng aking katauhan. Kagaguhan ‘yon. Isang malaking kalokohan.
Emosyon ang kulang. Kulang pa rin nito kahit na ilang siglo na ang nakalipas mula nang magkaroon ng tao. Oo, ikaw na nagbabasa nito, Emosyon. Sorry ha. Pero sa buong labing-anim na taon kong pamamalagi sa mundong ‘to, minsan ko lang naramdaman ang emosyon galing sa ibang tao na sa tingin ko eh totoo.
Baka sabihin mong makitid ang pag-iisip ko o kaya man ay wala ko sa lugar para sabihin ang nasa kalalim-laliman ng isip ko o baka nabitin ka pa sa sinulat ko. Basta ang hirap i-explain. Magulo ang isip ko pero pinilit ko pa ring isulat anuman ang nasa isip ko para sa usaping ito. Pasensya na talaga ngunit tao lang ako.
Tao Lang Ako
Tao lang ako. Hindi ako perpekto. Para akong switch na on and off o see-saw na up and down. Hindi tumatakbo sa isang side ang pagkatao ko. Hindi lahat positive. Katulad ng gulong, paikut-ikot lang ako ─ minsan masaya, minsan malungkot, o minsan naman tama lang.
Mahirap manigurado dahil walang kasiguraduhan ang mga bagay sa mundo, oo wala. Pero hindi ibig sabihin nun bibitawan mo yung mga bagay na sa tingin mo ay walang patutunguhan kahit malayo na ang narating. Mahirap mag-isip kung ano ang mga susunod na mangyayari. Mahirap umasa sa mga bagay na imposible, sa mga bagay na "once in a blue moon" kung mangyari.
Mahirap maikumpara sa iba. Yung pakiramdam na parang lahat ng mga ginawa o gagawin mo pa lang ay walang saysay. Yung para bang nahihirapan ka nang gumalaw dahil sa tingin mo buong mundo nakatingin sa mga kahinaan mo. Mahirap yung naiipit ka sa dalawang sitwasyon: kung magpapatuloy ka dahil 'yan ka o kung magbabago ka dahil sabi nila may hindi tama. Mahirap maikumpara sa taong alam mong wala kang laban. Nakakalokong tanggapin na lahat ng mga bagay na mali ang siyang nakikita at naaalala ng karamihan.
Tao lang ako ─ may pakiramdam. Nasasaktan, umiiyak, at lumalaban. Kinakaya ko lahat ng mga pagsubok na dumaraan sa buhay ko.
Sadyang nakakaloko ang buhay. Akala nila okay lang pero nakakasakit na. Akala nila masaya ka pero malungkot ka. Akala nila nakakatuwa pero foul na pala. Akala mo maayos na pero di pa pala. Akala mo masarap na pero sabi ng iba may kulang pa. Akala mo tapos na pero may kasunod pa pala...
Akala mo mag-isa ka, pero nandito lang ako para makinig at umunawa sa'yo. Tao lang ako. Tao lang tayo. Kapit lang. Tiwala rin. :)
- Chips
HINDI AKO ACTRESS
Di ko kyang lumuha kung kelan ko gusto pero, Minsan di ko mapigilin ang pagpatak ng luha ko.
I wish i could be stronger. Pero TAO LANG AKO. Hindi ko mapipilit ang sarili, maging manhid.
May Dahilan :)
Sa buhay natin may mga pangyayari talaga na minsan di natin maintidihan kung bakit ito nangyayari. Pero kahit ganun paman ito ay paraan parin ni GOD para hobugin ang ating mga sarili. KAya wag mong isipin na malas ka kaibigan dahil lahat ng ating pinagdadaanan sa mundo ay may DAHILAN..