Tawa tawa, halamang hindi dapat paniwalaan
Panahon na upang iwaksi ang paniniwala at imulat ang ating mga mata na ang tawa-tawa na ating pinaniniwalaang nagpapagaling sa dengue ang maaari pang magpalala sa ating kasalukuyang kondisyon sanhi nang maaari itong magdulot sa atin ng pangmatagalang dehydration (pagkauhaw).
Inihayag ni Dr. Eric Tayag ng National Epidemiology Center of the Department of Health (DOH) na kailangan nating mag-ingat sa pag inom ng tawa-tawa dahil may potensyal itong magpalala sa kondisyon ng isang taong nagkadengue sa pamamagitan ng patuloy nilang pag-iihi ng maaaring humantong sa pagkauhaw.
Dagdag pa rito, binigyang diin ni Dr. Lyndon Lee Suy, Department of Health (DOH) Manager for the Dengue Control and Prevention Program na isang “Fluid Replacement” ang pag-inom ng pinagkuluang tubig ng tawa-tawa na kung saan lalong makakatulong kung sasamahan ng masusing medikasyon.
Gayunpaman may mga tao pa ring buong tiwala na naniniwalang nakakapagpagaling talaga ang tawa-tawa bilang panangga sa dengue.
“Effective talaga ang tawa-tawa noong nagkadengue ako 10 lang ang bilang ng platelets ko at matapos kong inumin ang tawa-tawa, mabilis na tumaas ang platelet counts ko kaya pag may lagnat mga anak ko, pinapaiinumom ko agad sila ng tawa-tawa para di ko na sila madala sa hospital” ani ni Casiel Cabilogan, isang maybahay.
Batay sa isinagawang ulat, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na kahit na nagpapataas ng platelets counts ang tawa-tawa dahil sa mga taglay nitong komposisyong kemikal at properties, binigyang linaw pa rin nya na wala pa ring opisyal na rekomendasyon ang DOH na maaaring gamitin ito o ipagbawal nila ito.
Dahil sa mga impormasyon na ito, pag-papasuri sa doktor ang mas mainam na gawin at huwag na umasa nang buo pa sa mga halamang herbal na wala pa talagang pag-aaral na nagpapatunay na epektibo ang mga ito.
Dagdag pa rito, dapat lamang na mag-ingat tayo nang sa gayon, maiwasan natin ang mga sakit na ito namang laganap sa ating bansa lalo na’t umuulan pa dahil ika nga, “Prevention is better than Cure”.