Ang lupit mo, Ate Girl! Isang overnight lang, nakalimutan mo nang lahat!
Nakalimutan mong nasasaktan ka pala. Nakalimutan mo yung mga ginawa nyang hindi maganda. Nakalimutan mo yung mga sinabi nyang nagigiging dahilan ng insecurities mo. Nakalimutan mong may nagbago. Nakalimutan mong bibitaw ka na nga dapat pala. Pinautang mo pa pambiling vape hahaha
NAPAKARUPOK. Ganito pala siguro kapag nagmamahal nang totoo. Nakakalimutan mo na yung mga pangit na nangyari tapos napapalitan pa ng pagmamahal. Nagpapatawad kahit hindi nanghihingi ng sorry. Iniintindi mo na lang na hindi ka nya naiintindihan. Okay ka na lang sa lahat. May nangyari lang sa inyo kagabi biglang hindi na mainit ulo mo, ang saya-saya mo pa! 😂😂😂
So ayun na nga. Nakalimutan ko na lahat. Should we(I) start over again, my love?











