Ano ang Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal?
Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Naniniwala ang maraming iskolar at mga propesyonal sa pagsasalin na may dalawang pangkalahatang uri ng pagsasalin ang pagsasaling pampanitikan at ang pagsasaling siyentipiko/teknikal. Sinasabi rin mga pa awtoridad na teknik at pamamaraan ang dalawang pangkalahatang uring ito.
Tinutukoy ng pagsasaling pampanitikan ang proseso ng muling pagsulat sa ibang wika ng malikhaing akda tulad ng tula, dula, maikling kuwento, sanaysay, nobela, at iba pang anyong pampanitikan. Samantala, lahat ng tekstong hindi pampanitikan ay maibibilang sa tekstong teknikal. Kabilang dito, ang mga balita, pormal na sanaysay, feature articles, agham panlipunan, tekstong pambatas, disiplinang akademiko, teknolohiya at iba pang katulad. Karaniwan, siyensiyang pangkalikasan (ang pinag-uusapan kapag ginamit ang terminolohiyang pagsasaling siyentipiko).
Layon ng Pagsasaling Siyentipiko at Teknikal
Komunikasyon ang pangunahing layon ng pagsasaling siyentipiko at teknikal. Kung sa pampanitikang salin, nilalayon ng tagasalin na makalikha ng isang bagong obra maestra batay sa orihinal na akdang nakasulat sa ibang wika, sa pagsasaling siyentipiko at teknikal ay hindi kariktan ng panitikan ang pangunahing layunin. Isinasalin ang ganitong un ng teksto upang magbahagi ng impormasyon sa mas nakararaming mamamayan na hindi lubusang nakauunawa ng SL, na karaniwang Ingles.












