Thomasian Welcome Walk 2014
Gagawin ko bang detailed yung buong araw? Wag na lang! Yung Welcome Walk na lang mismo. Haha!
So, bumaba na kami from 3rd floor with matching sigaw-sigaw and wooh. Nakakapagod, a, in all fairness. Pero fun pa rin. Kailangang high energy parati para agaw-pansin at cute!
Edi simula pa lang, ang taas na ng energy namin, syempre pati yung mga front-liners. Ang tagal naming naka-tengga doon, nakaka-drain ng energy sobra. 'Yung tipong nasa climax na yung excitement mo, tapos ang tagal magsimula, sakit!
Pero anyway, n'ung nagsisimula na, mga walang gana kami sa simula. 'Yung cheer naming "Let's Go AB, let's go!" ay chinicheer namin nang parang mga patay. Pati 'yung cute naming BES cheer na "We are BES, B-E-S, we're the BESt!" ay walang kasigla-sigla.
Kinalaunan, nag-wave kami. As in WOOOOOOOOOH! Hahaha! Saya-saya! Simula diyan, nabuhayan na kami ulit ng loob. Habang naglalakad, e, gumawa kami ng sarili naming version ng "Let's go, AB, let's go, wooh!" May "wooh!" na, at binilisan pa. Oh di ba, saan ka pa?
Papalapit na kami nang papalapit sa Arch of Centuries. Papabilis rin nang papabilis ang bugso ng damdamin. Super welcoming nung feels, grabe! Nakakakilig na nakakaiyak na nakaka-overwhelm. Sobrang mixed emotions na parang sobrang hinalong halo-halo.
Dumadaan na kami sa Arch, as in nagko-cross na kami. Tapos nagcheer kami ng BES cheer! Super di ma-explain 'yung feeling! Basta, nakaka-proud! Pagdating sa QPav, juice colored. Nakakahiya! Nainterview ako ni kuya JM, as in, shocks in the world with matching akbay pa! Myghad! Kaya di ako maka-concentrate n'ung buong pangyayari. That was surreal. Hahaha!
So ayun. Nakakatamad nang magkwento kasi naunahan na ako ng kilig. Okay. Sana naenjoy niyo kwento ko. HAHAHAHAHA! :") β₯















