Commitments
I am no love guru but once you’re in a relationship, you need to be reminded of a few things. (Or probably, a lot)
1. Always think before you enter into a relationship. Isipin mo muna kung ready ka na. Kasi ‘di biro ang pumasok sa isang relasyon, parang kontrata lang yan. Kailangan mong isipin nang mabuti kung handa ka na sa mga mangyayari, mga benefits and even consequences nito. Wag na wag kang papasok sa relasyon kung malungkot ka lang, dahil gusto mo lang na may magmahal sayo. Ika-nga nila, “Love when you’re ready, not when you’re lonely. Makakasakit ka lang sa iba, makakadagdag pa to sa kalungkutan mo.
2. Make time for your significant other. Kung mahal mo, bibigyan mo ng oras mo. Oras ang pinakamahalagang bagay para sa atin ngayon, kaya pag binibigyan mo ng oras ang taong mahal mo, maaappreciate niya yun. Kahit busy ka, bigyan mo pa rin ng oras mo kahit katiting man lang. Ipakita mo na gumagawa ka ng paraan para makasama siya o makausap man lang.
3. Communication is the key. Eto, importante rin to. Wag mong solohin yung problema mo, wag kang magalit at magdrama lalo na kung di niya naman alam kung bakit ka nagkakaganyan. Sabihin mo. ‘Di naman ata siya mind-reader para malaman kung anong naiisip at nararamdaman mo. Pag-usapan niyo kapag may problema kayo o may problema ka sa kanya. Wag niyong palipasin na lang. Makakasira yan sa relasyon niyo. Once communication is lost, everything goes downhill.
4. Trust each other. Seloso/a ka? Maraming lumalandi sa kanya? Siya ang pagkatiwalaan mo, pero wag yung nasa paligid niya. Kung mahal ka niya, alam niya paano magrereact sa mga sitwasyon na ganun. At kung mahal mo siya, dapat alam mo na di ka niya lolokohin. Nakakaloka kapag di ka marunong magtiwala sa partner mo, build up trust with each other.
5. Be loyal. Oh ayan, ang dali dali lang gawin niyan. Kung mahal mo siya, hindi ka na hahanap ng iba kasi wala nang tutulad pa sa kanya. One of a kind siya, kaya nga mahal mo eh. Kaya nga siya ang pinili mo. Pag meron ka na, di ka na hahanap pa ng iba. Siya lang, wala nang iba.
6. Respect his/her privacy. Di porket magkarelasyon kayo, eh dapat alam mo lahat ng galaw niya, sino kausap niya, kachat niya sa facebook o katweet niya sa Twitter. Di mo kailangang basahin bawat message ng nanay niya, tatay niya, best friend o kung kanino pa. Okay lang naman magbasa paminsan-minsan pero wag yung tipong dinaig mo pa ang CIA. Always keep that in mind.
7. Ask advice from others but keep them out of your relationship. Friends, family, they will always be there for you. Sila ang mga taong unang nagmahal sayo at gusto lang nilang makatulong sayo. Hayaan mo silanng magbigay ng advice pero not to the point na mangingialam sila. Dahil sa totoo lang, kayo pa rin ng partner mo ang makakaayos sa relasyon niyo. Kayong dalawa lang ang nasa relasyon, hindi ang buong mundo.
8. Don’t make him/her your world. Di lang kayo ang dalawang tao sa mundo. May mga pamilya’t kaibigan din kayo. Bigyan niyo rin sila ng oras dahil nagmamahal din sila sayo. Paano na lang kung mawala yung partner niyo? Saan ka tatakbo? Diba, sa kanila pa rin? Kaya wag mo silang babalewalain dahil sila ang unang nagmahal sayo.
9. Effort. Big or small, efforts are still efforts. Kahit kayo na, magbigay ka pa rin ng effort para mapasaya ang partner mo. Di porket kayo na, eh titigil ka na sa pagpapakasweet mo. Tandaan mo, mahal mo siya dahil napapasaya ka niya. Kaya kapag pinapasaya mo siya, ibigsabihin nun masaya ka na rin.
10. You’re a better version of yourself. Ang taong mahal mo ay ang inspirasyon mo. Siya ang dahilan kung bakit mas masaya ka, mas may gana kang gumising sa bawat araw at kung bakit nagbago ka for the better. Make sure siya yung taong hihila sayo pataas at tutulungan niyo ang isa’t isa para maging mabuti.
11. Lies are deadly. Wag na wag kang magsisinungaling unless kung may surprise ka sa kanya. Small lies, white lies, pareho pa rin yun. Wag ganun, dahil pag nagsinungaling ka, masisira yung tiwala niya at susunod dun ang relasyon niyo. Kahit masakit, sabihin mo, basta totoo. Your partner deserves the truth.
12. Think before you give up. Pagod ka na? Ayaw mo na? Sawa ka na? Pag-isipan mo muna nang mabuti. Baka kailangan mo lang magpahinga, mag-isip at ayusin ang mga sarili niyo. Dahil kapag susuko ka na, dapat handa ka sa mga mangyayari. Dapat walang sisihan kasi mahirap nang bawiin ang mga bagay na binitawan na.
Based from experience lahat yan. And if your relationship fails, it’s okay. Wala namang perpekto eh. Trial and error lang yan hanggang sa dumating ka sa puntong mahanap mo na yung tamang sagot--yung tamang tao para sayo. Sa bawat nagiging relasyon mo, may matututunan ka.












