Para Kay Wen
Kamay ko na lang; 'Wag punyal o patalim, Ang hawakan mo.
seen from China
seen from United Kingdom

seen from United States
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from Malaysia
seen from Netherlands

seen from United States

seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States

seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom

seen from China
seen from United States
seen from United States
Para Kay Wen
Kamay ko na lang; 'Wag punyal o patalim, Ang hawakan mo.
nagbabasa ng mga sulat―maiiyak na ako. kutukutin ang dulo ng daliri at magpigil sa kung ano man ang bubuhos sa umaga na ‘to. wala na ang ulan. mumo na lang ang malamig na hanging gumagapang sa’king mga paa at sa labas, sa palagay ko ang mga basa ay nag-aalsabalutan na. mahaba ang biyahe paitaas. at baka manorpresa sila sa deisyembre. pero ‘wag naman sana. sapagkat nakakarinig ako ngayon ng walis at dustpan, masarap sa tayngang parang unang beses ko ito, at, at, ano pa ba? sa loob ko nakatiklop na ako. lukot ang napapalibutan ng dibdib at tuhod. hinahanginan ng seryosong kalungkutan. nalalamigan. walang saplot, para saan pa? saan ba tayo mauuwi lahat? kanina lang habang inaalikabukan ko ang larawan ni Hesus, nakasabit sa pader sa hagdan, tinatanong ko ang sarili kung saan ako mapupunta kapagkatapos nito. walang hiya sa larawan na ‘yon, walang nakikilala kahit kaluluwa ko. at pagharap ko ay maliit na bahay nanaman. ang walang dibisyong pook kung kaya’t di ko matukoy kung saan nangyari ang mga nangyari. basta, dito sa bahay. sa loob. may mga bintana, may isang pinto. .. walang tula ngayon, mamaya na. pinagkakasya ko pa sa aking bibig ang nakakaduwal na hinanakit. na nandirito ako sa lugar na kahit kilalanin ko ay di sasagot. naalala ko tuloy ang umaga kahapon, gintong lakaran tungong langit na, makapl pa rin ang dilim sa mga ulap. nakapatuyo na kami ng ilang mga labahin at magandang balita ‘yon. at, at, lahat ng hipuin ko ay istorya ng pag-ibig. istorya na kung saan nagsasalo ang pait at tamis at nag-iigib ng pag-asa. tumititig ako upang hanapin kahit sa blangkong kinuluyang bagay ang kahulugan nitong lahat. isa itong desperadong paghahanap sa mga natagpuan na. na wala nga. wala ng appeal ang timpla ko sa kape. init ng tubig lang talaga. wala na rin sarap ang mga ulam na pinaglululuto ni papa, masiba lang talaga ako. nauubos na ang mga sangkap, sa sarili ko na lang ay aktibo pa ang masamang kagustuhan na maangkin lahat. tapos pagsisisiha’t gagawan ng solusyon kingabihan. pero pag sumapit na ang araw, iyong nakangiting - mga uwang sa mga ngipin niya nagtatagusan ang sinag, lilimutin ang mga pangako sa buwan at bituin. makikipagdigma sa maraming aspeto ng sarili, isang nagpapapayapa. ewan ko, ewan ko. talagang kumpirmado ko na ang kahinaan ko pagdating sa pagkukuwento. sa pagdedetalye’t paglalarawan. na naiiwan pa rin sa akin ang maraming bahagi ng lumbay o kung ano man, na, sa lalong madaling panahon ay dapat nang mapakawalan. kahit pa madumihan ang mga ilog. nakokontamina ako ng produksyon ng imahinasyon at karunungang magkapantay para maglikha ng emosyong, lumulusot sa agusan ng mga luha. hindi ko kinakaya ang bigat ng responsibilidad sa mga nalalaman at hindi. sa pagiging maobserba, mapanakit, mahawak. walang akong magawa. magpiglas. mangayaw. ito lang ako at dumadama nang husto sa uri ng kawalan ng lahat. pag sinabi kong lahat, talagang lahat
isinulat: ika-12 ng hulyo ’15 / 5.42
(tula)
Nagiging madalas na ang pagtama sa’kin ng kanto ng - kalawakan - ng uniberso. Tila nag-uudyok ng di ko maunawang pasimulain. Kung magbebenepisyo ba ang sarili ko o sangkatauhan (na siyempre ay imposible), di ko masagot. Lumalabas ako ng classroom at tatanawin ang mundo bago sa aking paghinga. Anim na palapag na north wing at kada pagitan ng mga sahig-kisame: puro mosyon. At kapag gano’n ay wala akong naririnig maliban sa - katahimikan - ng kapayapaan - ng kadiliman - ng uniberso. Isa sa mga bahagi niya nagsasabayan ang pagtatampuhan ng kaklase ko at boyfriend niya at ang pagyayabangan ng mga fourth year students sa corridor. Na baka pa sa saktong oras na tumahol ang aso sa kung saan man naghagis ng piso ang bigo sa isang wishing well sa kung saan man. Dito at ilang kilometro mula rito at mula roon, mga milyong milya ang layo, pareho-parehong nagsasampay ang mga amang nagbabakasakali ng masiglang araw. Kung di matutuyo ang pantalon ko ngayon ay di ako siguro papasok bukas. Pero may report akong dapat na tapusin, wala pa akong summary ng nabasa, at natatawa ako. Literal ang imahe, malapot na pagkakahalo sa mga galaxies, pasigaw na kamustahan ng mga planeta. “ano na meron diyan?” tapos ay yuyuko ang daigdig, kalahating-tiklop ang bilbil. “Wala naman.” Gano’n pa rin. Pagharap niya sa nasa sentro ng solar system ay babangon ako sa pinakamalungkot na bahagi ng umaga. Kunwari pang di nangangamba sa sasapitin ng pangit na katawan kahit pa kakarampot na nga lang ang almusal.
Kalat
Nalulunod ako sa salitang hindi ko mabigkas. Pakiramdam ko’y may tubig na nakabara sa lalamunan
Damdaming gustong pakawalan ng dibdib hindi alam kung sino makakarinig
Gustong sambitin ang salitang “Mahal Kita” ngunit, wala ka dito upang ito’y marinig
Ano ba ang tumatakbo sa isip bakit bigla bigla na lang ika’y sumasagi
Hindi mawari, tibok ng damdamin Ikaw ba’y maniniwala, sa aking pag-amin
Tinatangay ako ng hangin, patungo sa isang banging malalim.