021413: "For you, a thousand times over."
Here's a late Valentine post that's just always with me.
Kung ngayong ganito yung edad ko sana tayo nagkakilala, okay ang lahat. I mean, baka natuloy, baka mas pwede mo rin akong magustuhan. Baka mas pwede mo na akong magustuhan. Kung ngayon sana kita nakilala, baka mas swak sa timing, baka mas posible yung tayo.
Pero kung ngayon lang kita nakilala, baka mas lalong hindi naman magkakaroon. Atsaka parang ayaw ko naman kung ngayon lang. Edi mas lalo kitang hindi kilala, baka nga hindi talaga kita kilala at all. Baka mas marami pa ang mas nakakakilala sa iyo. Ayaw ko yun.
Hindi ko alam kung ano yung pagmamahal that time, so hindi ko alam kung mahal kita o na-infatuate lang ako. Pero ngayong malaki na ako, alam kong minahal pala talaga kita. At sigurado akong minahal mo rin ako.
Pero itong atin kasi higit yata sa pagkakaibigan, pero hindi aabot sa seryosohan. And pinagkaiba nga lang sa mga kwentong ganito, yung atin, okay na sa akin at sa iyo na hanggang ganito lang. :)
Ito yun eh. Ito lang talaga. Akalain ko ba naman na posible palang okay lang sa akin na ganito.
Ang dami kong natutunan sa iyo at sana alam mo yun. I'd still look at you the same way I looked at you when I was a lot younger.
You told me the last time we met, "Dalagang dalaga ka na ah." I really am now. How I wish I was this way when we first met but I won't regret a single thing.
It's a gift to know you especially when meeting you was my original plan. I love you, man. You have taught me a lot, and I am growing up well. :)
To my one great love, I miss you and how you made me feel. It's probably my 323874th time talking about you on my blog but hey, you're more than words to me.
I don't know who you are, what you do, how you are anymore and how I wish you didn't slip away from me. You could have been honest with me, it would've hurt less but we can't do anything about that now, really.
I practically spent my teenage years, waiting on you. That maybe you're the "teenage love" type of a person I can be with. You're my first love and sometimes you loved me back. Tapos eto ngayon, mag-isa pa rin ako.
Sayo ko lang napatunayan na nagbabago pala talaga ang mga tao sa isang iglap lang. Yung totoo, ano nga bang nangyari sa atin? We barely talk anymore. We barely know each other.
Usually hindi ako nakakatapos magsulat tungkol sa iyo ng hindi umiiyak, pero ngayon hindi na masakit. Ang tagal kong nag-move on sa iyo. Sana hindi mo na lang ako pinaghintay.
Alam naman ng lahat eh, baka tayong dalawa na lang ang hindi.
I'm keeping the promise that I will write for you someday, kahit ikaw lang ang makakita.
Sabi nila 'frist love never dies,' baka nga. Pero yung tao, ikaw, matagal nang parang patay.
I don't think I can ever forget you, and it's okay because I refuse to.
You. How do I even begin? Ikaw yung sobrang nagpakilig sa akin nung akala kong hindi na ako marunong. Sobrang saya ko na nakilala pa kita kahit sa umpisa parang ang imposible.
I am going to miss you, your eyes, your mannerisms and your voice. How we're awkward, how we're always having chance meetings, how you exactly looked when I met you. I'm going to miss how you act like a kid.
I am going to remember you like that September afternoon and each day we met after that.
Thanks for making me happy, trust me that I will never forget you and the things you made me feel.
Any girl would be lucky to have you, I am too, just knowing you.
I am so, so proud of you. :)
-These are my stories. I know it's way past Valentine's day but these stay with me forever. Some people aren't made for us to be with but that doesn't mean we can't love them, and they can't love us back (even for just a while.) Baka binibigay lang sila sa atin sa maikling panahon para mapaghandaan natin yung susunod na darating. At baka binibigay sila sa atin para kung mawala sila, matuto tayong mag-move on, kasi kaya talaga natin. Kakayanin natin.
Happy Valentine's sa lahat! Anomang estado ng puso mo, kaya mo yan. :)