10.3 Waiter boy
Note: -Toot-, swearing "Uhh, Opo ser. hehehe. -Toot- alam na nila sigurado. Alam na nila, sisante na ako. Ano ba to, gusto ko na umuwi, patapos na shift ko - 12 minutes na lang. -Toot- talaga. Hindi ko naman sinasadyang mayupi yung motor eh. Kasalanan kasi nung bata na yun, sabi nang tabi ayaw pang tumabi. Siguro naman hindi nila mapapansin yun, maliit lang naman. At kung mapansin naman siguro hindi na nila iisipin na ako. Gabi na, hindi nila yan makikita. Tapos bukas, pag nakita eh sa daming gumamit ng motor hindi na nila alam kung sino. Tama, tama. Hindi ako pwedeng masesante dito, wala pa akong dalawang buwan. Atsaka hindi ko naman talaga sinasadya, ang daya naman. Sa lahat ng taong pwedeng mangyari ‘to, bakit sakin pa. Lagi na lang akong minamalas. Ako na lang lagi, hindi ba pwedeng break muna sa’kin, nakailan na ako. Ang yaman ko na sa malas. -toot- si boss! AH, may pinaabot lang. Grabe, akala ko mamamatay na ako sa kaba. Oy, may order daw dun oh. Hihintayin ko na lang matapos to, para tapos na. Kung tatanongin man ako bukas, edi aamin na ako. Wala na akong magagawa. Pasensya na lang.”












