The FEAST. First attendee. :)
We were invited yesterday (Sunday – Sept. 21, 2014) to attend “The Feast” at PICC. My auntie encouraged my mother to attend because she knew my mother is struggling at the moment. Alam mo na, mga mag-asawa blues. Siguro nga sa panahon ngayon hindi na maiiwasan magkaron ng problema na ganun. So hindi na yun bago. Common na nga. Naengganyo na rin ako kasi feeling ko isang way ito para magpasalamat at magbigay ng praise kay Lord sa pagiging RMT ko at patuloy na pagbless sa amin.
Matagal ko na naririnig si Bro. Bo Sanchez. Hindi pa man kami na-invite umattend ng “The Feast”. One Sunday habang nagpapalipat-lipat ako ng channel. Napanuod ko sya pero hindi naman nagtagal. Kasi si mama saradong Katoliko (ata). So pinapalipat nya un channel eme, baka malihis daw ako ng landas. So ako nilipat ko na nun nagsabi nya. Though ganun nga ang point of view nya that time, hindi naman ako nagpapigil. In fact halos magkaron na ko ng collection ni Pastor Ed Lapiz ng books nya. Kasi naniniwala ako na hindi lang food para sa tyan natin ang kelangan nating i-fill kundi mas importante rin ang food for the soul.
So pagdating namin dun. Sobra sobra sobra sobrang daming tao. As in. Sa PICC ako grumaduate as mismong dun sa hall na un ang venue. Grabe. Imagine akala ko graduation lang or may movie/play something mapupuno un. Pero para sa The Feast? Ahhmaaazziiiinnngggg! Grabe un feeling na makita mong ang daming tao para magpraise and worship kay Lord!! To the point na kahit hindi pa start ang mass kelangan ng i-close dahil puno na.
So pagpasok namin namili agad kami ng magandang seat sa unahan. Sa unahan sana at gitna kaso puno na. Kaya sa gilid na lang kami pero enough para makita ang stage.
So nakakatuwa na 10:30am talaga nag-start. Hindi ko ine-expect na may mass. Kasi naka-attend ako dati sa Day by Day Christian Ministry e wala bukod sa born again Christian naman talaga yun. Akala ko kasi un kay Bro. Bo Sanchez ay born again din. Hindi pala. So kaya mama ko naengganyo kasi Catholic pa rin.
So nagstart na mass. Unexpected!! Ibang-iba hindi sya traditional na mass na common na ina-attend-an natin. Iba mga kanta, mas lively at mapapasayaw ka pa. Nakikita ko pa un iba na bumibirit e. Nakakatuwa silang makita na ganun sila kasaya at energetic magpraise and worship kay Lord. Ibang-iba yun feeling. Feeling mo nagkoconcert ka para kay Lord. At nakakalimutan mo na un mga nasa paligid mo dahil nakafocus kang magpraise kay Lord.
Pagpasok pala namin may binigay na leaflets na may kasamang envelope for prayer/tithes/offering. Yun leaflets summarize version ng last Sunday service.
So before mag-end yun mass, nagpray ako n asana si Bro. Bo Sanchez un speaker. Atttt hindi naman ako binigo ni Lord. Sya nga :)











