Sya: Hay Rose, ba't ngayon lang kasi tayo nagkakilala.. Sana.. *sigh*
Ako: Kalma ka lang. Go with the flow lang tayo.
Iniisip ko kung paano nga kaya kung nagkita kami 5 years ago. Maging magkaibigan kaya kami? Mag-ka-i-bi-gan? O 'di kaya ay pahintulutan nga kaya kami ng langit na magkatagpo?
Tatlong buwan mula nun huli tayong nagkita dahil kinailangan ko na bumaba ng Maynila dahil natapos na internship ko sa Baguio. At ikaw nagbakasyon ka na rin sa Bataan. Nagkita tayo sa huling pagkakataon dahil napagkasunduan natin na kailangan natin 'yun para ma-clear ang ilang mga bagay (na hindi naman natin naliwanagan, mas nagulo lang natin). Mga bagay na 'di ko rin alam ba't humantong sa punto na naguluhan tayo kung ano ba ang meron sa 'tin.
Sa loob ng tatlong buwan na 'yon. Dalawang beses yata ako nag-PM sa'yo kasi hindi ko kinakaya 'yun bigat na dinadala ko. Hindi ko alam ba't ba ang hirap pakawalan netong nararamdaman ko para sa'yo. Samantalang ilang beses lang naman tayo nagkita. Ni hindi pa nga talaga natin alam ang buhay-buhay ng bawat isa. Pero ba't ba naging sobrang palagay tayo? Na tipong naging sobrang honest tayo sa nararamdaman ng bawat isa. Na hindi tayo nahihiya sa kung ano ang iisipin ng mga kasama natin. At sa dalawang beses na pag-message ko sa'yo.. ni isa dun wala kang ni-replyan.
Kaya napagdesisyunan ko na itigil na lang din kasi nahihiya na rin ako sa sarili ko. Masakit pero kinakailangan ko 'to para makapagfocus na rin sa pagrereview sa board exam.
Sobrang tinuon ko sarili ko sa pag-aaral. Ultimong kapag sumasagi ka sa isipan ko eh feeling ko kelangan ko magsorry kay Lord kasi nawawala ko sa focus at hindi dapat kita iniisip
Two weeks before exam, nagulat ako at nakita kong may message ka sa 'kin. Nagtanong ka kung tuloy ako mag-exam sa September 13 at 14, kung naayos ko application ko sa PRC, at nag-goodluck. Sinabi mo pa na galingan ko. Natuwa ako dun. Sobrang unexpected pero isa 'yun sa nagpamotivate ulit sa 'kin.
Alam mo ba iniisip ko nun, siguro kapag RMT na ako, baka pumwede na tayo. Kasi pareho na tayo na RMT. Hindi ka na maiilang sa 'kin kasi lagi mo iniisip na ang bata ko para sa'yo kahit hindi naman.
Kinakausap ko pa si Lord na: Sige Lord, unahin mo na muna pong maging RMT ako. Next na lang lovelife. Kung pwede ko lang siguro sabihin na next na lang na ibigay ka sa 'kin ginawa ko na. Kaso naisip ko masyado na kong demanding kasi napaka-specific ko na at selfish kasi lahat na lang ng gusto ko, eh gusto ko makuha.
Saka naging motto ko habang nagrereview e: "RMT NOW, LANDI LATER". HAHAHAHA. Naniniwala kasi ako na kelangan kong magpakabait kung gusto ko talagang maging RMT.
So feeling ko naging mabait naman ako kasi dininig naman ng Diyos prayers ko. Naging RMT nga ako. SALAMAT ULIT LORD!
A day before exam, nag-expect ako na baka i-message mo para i-goodluck ganun. Pero wala talaga. Nganga. So isip ko na, baka makagulo ka kapag nagmessage ka pa. So keber lang. Move on lang.
After exam (2 days ang board exam for medtech), umuwi ako na hapong-hapo. Sobrang nadrained utak ko sa last day ng exam. Ang tindi. Nakaka-ubos ng lakas sinabayan pa ng hirap umuwi dahil sa malakas na ulan.
So dahil tapos na exam, sobrang nagbalik loob ako social media sites. Librang libre na ko, finally. Then... tenenennnn. Nagmessage ka sa 'kin. Uhuuu. Sobrang saya ko non. Blabla, kamustahan sa exam. Nagmotivate, nag-advice, chuva. At higit sa lahat, nag-inarte ka na naman. Alam mo kasing hindi kita matatanggihan e. Kainis ka e. Buset.
Hays. Siguro hanggang dito na lang tayo. Hanggang sweet messages na lang dahil hindi tayo pinahihintulutan ng pagkakataon.
(P.S. May mga nagrereview na feeling ko naka-relate rin sa 'kin. Mahirap mag-aral at focus kapag feeling mo sawi ka sa pag-ibig.)