Yung taong...
tatawa kahit korni yung jokes mo, yung kakain ng street foods ng walang arte basta kasama ka, hahawakan kamay mo kahit pasamdo ka, papangitiin ka kasi ayaw nyang makita na nakasimangot ka, titignan ka sa mata kasi isa yun sa magandang bagay na nakikita nya sayo, hindi takot humingi ng sorry kasi mas pinahahalagan ka nya kesa sa pride o anuman, sasabihin yung mali mo kasi ayaw nyang gawin mo yung isang bagay na mali, itatama ka kasi mahal ka, susuportahan ka sa mga bagay na gusto mo, iintindihin ka kahit na sa puntong di ka na maintindihan, papaalalahanan ka sa mga bagay na nakakalimutan mo, iingatan ka kasi ayaw nyang mawala ka, hindi napapagod makinig sa mga kwento, drama, hinaing, reklamo, problema mo sa buhay, ccheer ka sa panahong lumo ka, papatawanin ka sa panahong nalulungkot ka, ayaw na hindi ka masaya o okay, di ka susukuan kahit na anong mangyari, alam na kaya mong magbago para sa ikabubuti mo, susubukan gawin yung isang bagay dahil gusto mo yon, mag aalala kasi may sakit ka, namimiss ka kada segundo, walang hiyang sasabihin sayo kahit biglaan ang salitang 'mahal kita' o 'iloveyou' , di ka hahayaang matulog na malungkot o galit ka, concern sa pag aaral mo kasi ayaw nyang magkabagsak ka, ayaw na nasasaktan ka kasi doble yung balik sa kanya, ipagdadasal ka sa araw araw, ipinagpapasalamat ka sa Kanya kasi nakilala, naging parte ka, at alam mong na sayo sya, kaya kang iyakan dahil ganun na lang yung halaga mo sa kanya, unang babati sayo kapag may mga bagay kang naaccomplished o natapos, sasamahan ka magpuyat, pipigilin yung antok kasi kausap o katext ka niya, komportable ka kapag kausap, kasama mo siya, masasabihan mo ng kahit ano, simple o personal na bagay, natatandaan yung mga magagandang bagay o pangyayari patungkol sa inyong dalawa, ipapaalala at ipaparamdaman sayo kung gaano sya kasaya o natutuwa na nagkakilala kayo, kayang ikwento kung paano, saan at kailan nagsimula yung naging storya nyo, susubukan ka laging pakiligin kasi denial ka kapag kinikilig ka na talaga, tanda kahit mga maliliit o simpleng bagay na tungkol sayo, kapag galit ka e hindi ka sasabayan kasi alam niyang hindi maganda at mali kung parehas nyo paiiralin yung galit, mumurahin ka kasi sobrang mahal ka, gusto din yung mga bagay na gusto mo, katulad ng mga palabas o kanta, hahalikan ka ng walang pag aalinlangan, yayakapin ka kasi gusto niya, hindi nahihiya kahit sya na ang pinaka korni o pinakajejemon na tao para sayo, nakakapagpagulo ng pintig/beat ng puso mo, aasarin ka kasi isa yun sa way nya para ipakita o iparamdam nya sayo na masaya sya sayo, magpplano ng kung ano ano kasama ka, gusto mong kasama sa mga bagay na gustong mong gawin, hindi magsasawa gawan ka ng kahit maliliit na bagay o effort mapasaya at makita lang mga ngiti mo sa mukha, aware kapag wala ka na sa mood, pagod o stress ka, hindi nag eexpect sa mga bagay na ginagawa nya para sayo, hindi magsasawang mahalin ka, hindi ka iiwan kasi alam nya sa sarili nya na mahal ka nya talaga, palabiro pero pag ang usapan patungkol sa pagmamahal sayo e seryoso, mahal na mahal ka sa hindi malamang dahilan, kung hanggan saan at kung hanggang kailan,
Yung taong nakilala mo, mahal, minahal, minamahal, at naging importante nang parte ng buhay mo.
















