Pagod o Stress?
Hindi ko alam. Pero ito lang ang sigurado ako. Pagod ma pagod na akong ayusin yung mg kalat. Kalat na palagi ko nireremind sa kanya. Minsan, Pag uwi ko from school. Parang hindi ko alam gagawin ko. Yung ang bigat ng pakiramdam dito sa bahay nila araw araw tapos ginagawa kong rason yung anak ko para maging strong ako. Minsan, pakiramdam ko nalang wala na yung siya na maayos sa gamit. Concern sa mga bagay bagay, concern sa akin. 😔 hindi ko po alam kung tama pa ba na nagiging emotional ako. We don’t actually have bonding. Kasi palagi niyang bawal phone niya. Namimiss ko na din yung mga time na nag Bobonding sila ng baby namin. Minsan ka pressure, sobrang napapagalitan ko anak ko. Tapos nagsisisi naman ako after. 🤦♀️
Malapit na pala birthday ko. Miss ko lang siguro yung partner na partner ko dati. Namimiss ko yung dating kami. Gusto ko sana Ganoon kami. I wished for a God centered family. Yung kahit anong busy gusto ko inormalize sa anak ko na we must go to church every sunday because we have to praise him. Kaya lang gusto niya magtinda tuwing sunday. Hindi ko na po alam. Dati siya yung eager na pumunta sa church. Ako naman yung hindi ganun, he made me love going church every sunday kaya lang noong nagka-anak na kami doon naman na siya tinamad na mag attend. 😔
Pakiramdam ko, hindi na yata ako mabuting asawa at ina.












